11/22/2015 8:16:54 PM
So, tatakbo na raw si Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo nitong darating na May 2016 Presidential elections. Ayon ito sa mga naglabasang balita sa kanyang pagdalo sa isang kaganapan sa DasmariƱas, Cavite kagabi.
“My presidency is on the table.”
Aba, bakit parang hindi na ako nagtaka rito; hindi gaya ng mga taong pumalakpak pa at nagbunyi sa social media na as if nanalo sila ng lotto o nanalo ang team na hinahangaan nila sa NBA Finals?
Pero bakit nga ba siya nagbago ng isip (na naman)? Ayun, naburat lang naman sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal ukol sa kwenstiyunableng citizenship ng tumatakbo ring presidentiable na si Grace Poe.
Dapat raw kasi sa isang “true-blue” Filipino ang posisyon na ‘yan. Tama nga naman kasi. Gaya niya, hindi rin naman natin dapatn tanggap na ang isang banyaga ang maumuno sa Pilipinas. Ang dating kasi, para rin tayong sinakop e.
Pero naku naman, mga tol. Ano namang bago kung tatakbo si Digong? Sabi nga ng ilan, four little steps backward, one huge step forward. Stratehiya ba, apra basahin ang utak natin. Hindi naman siguro nagpapilit ano. Dahil sa totoo lang, ang istilo niya sa pagbibitaw ng salita ang isa sa hinahangaan ko, hindi gaya ng ibang tao na nakikita natin.
Pero yan ang mundo ng pulitika kasi. Walang permanente. Lahat (kung hindi halos lahat) nagbabago ng desisyon. Akala mo hindi tatakbo, pero huwag ka: mamaya siya pa mananalo. Akala mo b
Dahil ba tao tayo? At dahil ang pagbabago ay ang tanging constant na bagay sa lahat ng panahon?
Ngunit, subalit, daptapwat…
Ang tanong dito: pag siya ba hinalal natin, handa ba tyaong sumunod sa kanya? E sa totoo lang, ilang beses na tyaong ganito pag dumarating ang eleksyon e. Vicious cycle, ika nga.
Oo, mga punyeta. Nagagaguhan lang tayo e. Nagrereklamo tayo kung gaano kabaho at binbaha paligid natin and yet nagtatapon tayo ng basura sa kung saan-saan. Nagagalit tayo sa mga maangas na motorist samantalang humaharurot ka pa nang matulin kahit alam mong pinagbibigyan dapat ang mga taong tumatawid sa pedestrian lane. At nagrereklamo ka na bakit hindi maimplementa ang mga batas sa atin ikaw mismo ay hindi sumusunod?
Aba. Gago ka pala e.
As much as hinahangaan ko si Duterte na magsisilbing maghuhudyat ng radikal na pagbabago sa ating bansa (gaya nga ng sinabi ni Luna), nagiging concern lang ako. Hindi madaling magpatakbo ng isang malaking nasyon, na watak-watak na nga ang anyong kalupaan, watak-watak na ang pamamaraan ng pag-iintindi, mas wasak pa sa tipikal na wasak ang pinipiling gawin sa buhay.
Na sana nga lang, pag nasa kalagitnaan ng termino niyo, hindi siya magaya sa mga presidenteng hinalal natin. Bwakanangina, kalian ba tayo nagtanda sa ganito? Aminin natin: Binoto natin nun si PNoy noong 2010 hindi lang dahil sa pakikisimpatiya kundi dahil rin sa kagustuhan ng mayorya. Pero anong nangyari, ha? Magtatapos na ang termino para tayong mga taong na hilig sinusumbatan ang jowa mataposang ilang beses na hindi tayo mapaligaya sa kama.
Oo. Kailangan na nating matigila ng kapunyetahan ng lipunang ito. Pero hoy lang tayo umasa kay Duterte o sa kung sinuman na mananalo sa eleksyon; dahil nagawa man natin ang parte natin na mailuklok ang magsisilbing representante ng ating demokratikong lipunan, hindi rin naman sasapat ang pagpuna sa kanila.
Oo, lalo na kung maliban sa dada ay wala naman tayong ginawa.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!