Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

17 December 2015

Alaala ng Kamikazee

12/12/2015 5:42:06 PM

Hindi ako isang masugid na tagahanga ng bandang ito. Sa totoo nga ay nung high school lang ako natutong making sa kanila. Partida, hindi tumutugtog ang Chiksilog sa isatsyon ng radyo na pinapakinggan ko, at bata pa ang YouTube kaya hindi pa ganun kahinang ang kalidad ng mga lumalabas na video nun. (Well, kasabay lamang ng pag-usbong ng mga DSL nun.)

Habang sinusulat ko ito ay pinapakinggan ko ang recording ng pinakapaborito kong kanta ng Kamikazee. Hindi makakaila ang emosyon na umaapaw sa Araneta Coliseum noong nakaraang Huwbes, a-10 ng Disyembre. Punyeta, astig ng enerhiya sa loob ng Big Dome. Napaka-electrifying.

At yung stage na yan, na may higanteng LED screen na halos pantayan ang mga modernong set-up ng mga sport arena sa ibang bansa? Tangina, angas!

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgOcPdXlipmx0Y_xLEBV39kwkIusmVo1UdIFm2bktkFDWuKh6YVDmI6J3otqJDkniV2plprAyL1KwXe_3idews6JD2PbJQ4jDrqLrlPGYt7A0WlrWaaWPC7uKt4pAZvIKBKqbJwR-iFOhFI/s640/FA+-+_P3K8424.jpg
Photo credit: Manila Concert Junkies
Pero maliban sa huling sayaw, literal na masaya at malungkot na pagkakataon ito para sa lahat ng mga nabighani at nahumaling sa kanilang musika. Oo, maaring maingay; magkahalong pop, punk, grunge, at nu metal; pero aminin mo—nahumaling ka nung minsan gumawa sila ng kantang inspiradong sa teleseryeng Darna ng GMA-7 noon. 

Dahil nga sa “Narda” ay mas napansin nga sila ng madla e. Hindi lang sa gaya ng NU, RX, RT at Magic lang sila naririnig nun; pati na rin sa mga masa station gaya ng Love Radio, YFM at Energy FM. 

Ibang klase ang bandang ito, mula Girlfriend, Yung Tagalog, MMM… sarap, Unang Tikim, hanggang sa KKK, Director’s Cut, Ambisyoso, Seksi, Wala, at samu’t saring hit nila; hanggang sa mga kanta sa kanilang pang-apat at huling album na Romantico gaya ng Halik, Tagpuan at ang pinakahuli sa lahat—Huling Sayaw

Parang halos kahit anong paksa, mula senswal hanggang pulitika at pag-iibigan ay naikot na nila. Isama mo pa dyan ang First Day High, Komiks at ang mga cover nila sa kanta nila Ariel Rivera (Sana Kahit Minsan), Britney Spears (Lucky), Francis Magalona, at APO Hiking Society (American Junk and Do Bidoo).

Mayroon pa bang hindi nagagawa ang Kamikazee? Parang ayos na ayos na e. 15 years is no joke sa industriya, no. Hindi biro ang mamayagpag sa eksena nang ganyan kahaba, lalo na’t kung ika’y tumatanda at nagkakapamilya ay marami kang name-missed out sa mundo. Oo, tanong mo na lang sa mga gaya ng Urbandub at Parokya ni Edgar. Nakita mo naman siguro ang litratong ito nung a-28 ng Setyembre, 'di ba?

Photo credits: Jason Pineda, Inquirer Entertainment



Yan nga. Ang emosyonal na pamamaalam.

At minsan nga, mare-realized mo may sakit ka pala, gaya ni Jay Contreras na sinabing sasailalim siya sa isang oeprasyon para alisin ang bukol sa kanyang lalamunan. Idol pagaling ka po.

Ayos na rin ang isa’t kalahating dekada. Bagamna’t hindi ko napanood ang kanilang Huling Sayaw, tingin ko wala naming masama kung pepreno sila mula sa pagbabanda e. Oo, 15 taon nga yun, pero higit pa roon ang naiambag nila sa kabihasnan. Ang mga gawa nila ay sa malamang tatak na sa kasaysayan ng henerasyong ito at sa mga susunod pa.

Mabuhay, Kamikazee!

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!