12/23/2015 12:51:59 AM
Minsan, ang
pulitika sa Pilipinas ay isang napakaboring na talakayan. Saka lamang ito
napapansin ng madla kapag may mga mahalaganag pangyayari gaya ng eleksyon.
At para sa
isang ordinaryong araw, isang elemento ang kailangan para maging laman ng mga
tao ang usapang-pulitika: kontrobersiya. Mga bagay na hidi basta-basta
nangyayari sa ganun-ganun na lamang. Yung mga tipong debate tapos Ingles pa ang
dayalekto nila samahan pa ng samu’t saing terminolohiya na tanging mga
dalubhasa at elitista lamang ang nakakaintindi? Masyado nang mainstream yan,
allo na kung gusto mong gumawa ng ingay at baka sakaling makakuha ka ng boto.
Tignan mo
‘tong mga tangang ito. Ay, este, mga nag-aaway na pulitiko dito. Pasensya na,
biglang nag-channer ang inner Heneral Luna sa isipan ko habang sinasabi ko ang
naturang linya.
Photo credit: GMA NEWS |
Myth daw
ang “safest” city sa Pinas? Eh bakit hindi mo gawing reality yan... Kahit sa
Cubao man lang? E sa labas nga ng Araneta ay pugad na ng samu’t saring
kabalastugan na e. Aber?
Pero...
Sampalan na lang? Sabay mamaya, sapakan na lang? Tangina, baka mamaya duelo o
espadahan na yan ha? Bigla ko tuloy naalala ang koro ng kantang Tablahan mula
sa bandang Grin Department.
Pero mas
okay sa akin ang sampalan na lang. Dahil ang tunay na lalake, nananampal. Ay.
Ayaw mo maniwala? Manood ka kasi ng wrestling para makakita ka ng mga lalakeng
daig pa si Stephanie McMahon, Gladys Reyes o kung sinuman ang malulutong
manampal sa mga palabas.
Sapakan,
asus. Lagi namang duelo yan ng mga nagmamayabang e. Pag natamaan ego nila,
“Tara, sapakan na lang.” Puta, kala mo naman papalag talaga sa mano-a-mano, yun
pala either tatakbo lang palayo o may hawak na baril o balisong. Either way,
duwag ka pa rin kung ganyan ka.
Subalit,
tangina naman. Para namang bakla tong mga to ano? Kaya nagiging sarswela o
moro-moro ang pulitika sa Pilipinas e. Parang Abangan ang Susunod na Kabanata
lang. Parang isang malaking palabas na ginagawang patawa lamang ang pulitika sa
ating bansa.
Okay sana
e. Kaso the jokes are on us sa halip na halip na the joke is on them eh.
Punyeta. Kala mo naman gagawin talaga ang sampal o sapak.
Isa pa:
Magpa-Pasko na. Bakit di kaya tumutok sa mga isyu na may kinalaman sa Pasko?
Gaya ng kung gaano kagrabe ang holiday rush o gaano kagrabe ang mga loko-loko
sa lipunan? At wag na rin pala yung mga post-Miss Universe na balita. Tapos na
ang patimpalak. Magmove-on na tayo ano po.
Parang
epal-vs.-punisher na naman? Bwakanangina, pare-pareho naman tayong may mga baho
e. Hindi lang ilang mga pulitiko, kundi bilang mga tao. Kaya ano bang punto
para punahin natin ang awayan na to?
“Para
kayong mga bata,” sabi nga naman ni Isabel kila Tomas Mascardo at Antonio Luna.
At sa totoo lang, ganun din ‘tong mga ‘to. Oo, parang mga bata. Mga umiiyak sa
natapon na gatas. Mga magpapatayan dahil sa panis na tinapay.
Tanginang
yan.
Sa kakaaway
ng dalawang ‘to, nanungusan na tuloy sila ni nognog. Oo, naungusna na na silang
dalawa sa presidential survey ng Pulse Asia. (Anak ng pating, hindi talaga ako
naniniwala sa mga survey na ‘to kahit nagiging laman sila ng sirkulasyon. Pero
anyway...)
Sige, away
pa more. Ganyan kung paano i-turn off ang mga botante. Parang reverse
psychology lang sa advertising ah. Labasan ng baho. Nagpakita ng “tunay na
kulay.” (Pero ang kupal pa rin ng sinumang nagpauso niyan dahil hindi naman
lahat ng “tunay” ay negatibo.)
Yun nga
lang huwag lang sana silang maging bobotante gaya ng tipikal at nakararami.
Author:
slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!