Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

21 December 2015

Big-Time Blunder

12/21/2015 06:15:38 PM
 
Isang malaking pagkakamali. Maling-mali. Napakalaking pagkakamali.

As in walang #ParangMayMali sa mga naganap kanina dahil obvious na obvious ito kahit mahamog pa sa ilang bahagi ng lungsod kanina. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang isang maling kaganapan nung inanunsyo ni Steve Harvey, host ng ika-64 na Miss Universe ang nagwagi.

Ayan nga. Si Miss Columbia nga ang natawag na Miss Universe Ariadna GutiƩrrez bago ito bawian ng korona at sa halip ay si Miss Philippines Pia Wurtzbach pala ang totoong nagwagi.

Sa una, alam ko na ang bibirahin ng ilan sa atin: pagkadismaya. Yung iba nga dyan, mang-aasar na ng “Luto yung laro! Sunog yung nanalo.” Parang yung senador lang nitong nakaraang eleksyon ah. (EASY TOL!)

Pero noong nanalo pala si Pia, siyempre maliban pa sa “Congratulations,” parang ang mga boses ay nagwiwika ng “Tangina naman nitong host na to e. Tatanga-tanga! Nakakahiya yung ginawa niya.”

Oo. Nakakahiya nga. Malaking pagkakamali. At ang mga ganyang bagay pa naman ang nag-iiwan ng marka sa mundo, lalo na sa mundo kung saan kahit hindi ka nanood ng naturang beauty pageant, as long as gumagamit ka ng Facebook at Twitter at lalo na kung mahilig ka pang gumamit ng Yahoo at Google, hindi ka mahuhuli sa mga pangyayari sa mundo.

Nakakahiya nga ang pagkakamali sa mga binanggit ni Harvey. Pero... ano naman? Putangina, parang hindi tayo nagkakamali ha? Perpektong nilalang ba tayo na ultimo ang isang katiting na typographical error sa isang babasahin ay gagawin nating big deal?

E di wow kung ganun. Ikaw na ang Diyos. At hindi kami santo. Mortal lang kami, ano po.

Parang hindi tayo nakaranas ng pagkahiya ah? Hindi sapat ang basehan kung gaano ito kalaki o kaliit as long as the bottom line ay na-humiliate ka pa rin. Nagkataon lamang na si Steve Harvey ay isang sa mga matutunog na personalidad pagdating sa paghohost; habang ikaw dyan either ay nanunood sa live stream at ginagamit ang internet ng kumpanya sa halip na nagtatrabaho ka dyan (dahil hindi pa holiday 'oy!), o baka naman isa kang hamak na batugan na inaatupag pa ang panunood ng telebisyon sa halip na gawin mo ang mga gawaing-bahay.

Tangina, buti nga siya e. Kayang aminin ang pagkakamali. Hinarap pa mismo ang nanalong si Pia para humingi ng paumanhin ukol dun. E tayo kaya dito sa Pilipinas… Pag nagkamali, isisi pa sa iba. Sa pakwa tambay sa kanto? Sa ermat at erpat na nagpalaki sa'yo? Sa mga tropa mong lasinggero? O baka naman sa gobyerno?

E kung nagkamali ba tayo, kaya ba nating aminin? O baka naman hanggang dahilan lamang tayo at paninisi?

Mga tukmol din tayo e no?

Ito lang kasi yan: hindi biro ang maging host sa kahit saang event. Akala mo magsasalita ka lang na nagmumukha kang isang sikat at may otoridad na personalidad? Kapag nagkaroon ng aberya sa isang programa—sa soundcheck man ng banda yan, sa pagiging late ng isang speaker/performer, o ultimo sa mga teknikalidad gaya ng paglalag ng computer na ginamit para sa teleprompter,g taphics, at iba pang larangan—kadalasan ang hbost ang humaharap. Nasa sa kanya man ang aksikatan, nasa sa kanya rin ang pressure. Siya ang numero unong nagiging tampulan ng kritisimo at ultimong biro kapag may sumablay sa programang hinahawakan niya. Sila yung nakasala sa entablado, kasama ang mga maiinit na sinag ng ilaw sa harap ng maraming tao at baka nga di pa sigurado kung hindi talaga palyado ang mikropono mo o speaker pag nagsalita ka.

At minsan, pa nga, utlimong mga boss mo ay nakararanas ng ganito.

Kung hindi mo naranasan ang mga ganung bagay, e bwakanangina, mag-isip ka muna bago mamuna. Nang-aano ka eh.

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!