Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 December 2015

CURSES!

12/12/2015 7:27:18 PM

Anong meron sa isyung ito: nagmura si Mayor Rodrigo Duterte.

Okay, una: Patama raw ito laban kay Pope Francis. At pangalawa: nung bumira ito ng “putangina,” humiyaw ang tao.

Ows. Talaga, ‘di nga? 

Ayon ito sa isang press conference na tila nabadtrip na raw ang presidentiable sa traffic scheme noong andito ang Santo Papa sa Manila.


Pero teka nga, literal ba minura niya ang Santo Papa o minura dahil sa nangyaring traffic? Mukhang malinaw ang sagot sa video.

Sa totoo lang, mali nga naman talaga. Pagwawalang-galang e. Isa sa mga ginagalang na tao sa buong mundo ay ang mga lider ng mga relihiyon gaya ng Santo papa.

Ngunit ano naman kung nagmura siya? Santo Papa kasi ang minura niya e. Nakakaoffend yun sa mata ng mga nakararami, partikular ng mga Katoliko. At aling relihiyon ba ulit ang dominante dito sa bansa?

Humihiyaw nung nagmura? Sabagay, hindi nilang magawa magalit sa ginawa e. Kaya kahit mali, ayun, be proud ika nga. 

Ito ang isa pang problema: kung may isang tao ba ang gumawa niyan ay nagrereact din ba tayo nang todo-todo? Maari, at malamang. Bakit kanyo? Ang relihiyon ang isa sa mga pinakamatinding paksa pagdating sa pagtatalo. Walang tunay na nanalo rito, at lalo wala ring natatalo, pero marami ang ayaw magpatalo. Para sa pananampalataya e. Para sa ‘tamang landas.’ At sinuman ang bibira na taliwas, good luck.

Reality is: halos lahat naman ng tao ay bumibitaw ng mura kahit minsan sa talambuhay e. So bakit pa tayo nagmamalinis at magkunwaring kinokondena natin ang mga ito? Mas nakakagago yata yun no.

Naiisip ko: sadya ba tong ginawa ni Duterte o isa na naman ‘tong simpleng isyu na pinalaki ng mass media? Kasi mahal ng media ang kontrobersiya. Magmura lang si ganito, gagawiong national news item kahit sa totoo lang—maliban sa kanyang prominenteng pangalan at reputasyon—ay basura lang ang laman (kung hindi man hangin).

At masasabing wala namang problema sa mga kandidato e. Minsan, ang may pakana nito ay ang tatlo sa mga ito: ang mga publicist nila, ang mga tagahanga, at ang media.

Bakit kanyo?

Sa sobrang pageekseperimento ng publicist nila, hindi nila naiisip ang mga bagay na mas dapat bini-build-up. I get it: nagpapakatotoo lang naman si Duterte e. Pero again, hindi siya yung dapat mas pinupuntirya ditto e. Kundi yung mga bwakanangninang oportunista na pinapasikat ang isyung iyun. Dahil ‘bad publicity is still publicity.’ 

Mga tagahanga. As much as iniintindi ko ang sentimiyento ng mga humahanga sa bawat kampo, may mga sandal talaga na lumalabis sila e. Mas malandi pa sa mga clingy na jowa nila. Tangina, kala mo naman may nakukuha o pinapakain. Tsk.

At higit sa lahat, media. Dahil sila ang mas may ugnay sa PR at sila rin ang pinapanood ng mga tao—partikular ng mga taong humahanga at mga basher na rin. Kahit ipagdiin pa nila na hindi sensationalized na isyu ukol sa pagmumura ni Duterte eh nagmumukha silang gumagatong dahil sa kung paano nila ihatid ito at sa kung anon gang mas ineemphasize.

Punyeta. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!