8/22/2015 1:03:26 PM
Sa panahon na inililimbag ko ito ay araw ng kamatayan ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal ngayon.
O tapos, ano naman kung ganun?
Wala lang. Pero aminin man natin o hindi, kahit sabihin pa nating bahagi ng pambasang sagisag ng ating bansa si Dr. Jose Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonza, hindi naman siya ganun karelevant sa panahon ngayon—na kung saan ang karamihan sa mga 'kabataan' na tinuturing niyang 'pag-asa ng bayan' ay nakikipagpatayan ukol sa paniniwala sa forever, Galawang Breeezy, PBB Teens, Cnady Crush, Clash of Clans, at kung anu-anong uri ng kababawan sa buhay.
Mas nagtetrend pa nga ang mga episode ng Nasaan Ka Nung Kailangan Kita (NKNKK) at Pangako Sa 'Yo kesa sa pangalan ni Rizal mismo eh. Araw-arae naman laman ng trending list to. Awat-awat din, panay bolas na lang ah.
Idamay mo na ang questionableng pananalita diumano ni Marlon Loonie Peroramas sa Showtime—teka, ano bang sinabi niya na inikagalit naman ng madlang pipol? Hay naku. Yan ang hirap 'pag mga igno ay nanunood e. Matuto kasi gumamit ng Google kesa sa Facebook. Tama si Duterte nung sinabi niya ito.
Pero balik sa usapan. Si Rizal? Relevant pa ba 'to sa panahon ngayon? Siguro sa Calamba, Laguna, oo. Hindi dahil sa wala silang pasok. Malamang, yun lang din ang pamamaraan para mabigyang-pugay ang araw na ito.
Buti pa ang taga-Calamba, ano? Wa pasok; samantalang tayo dito sa Kalakhang Maynila, meron. Sa petsa na namatay si Rizal, holiday rin naman. Pero keber lang. Mas okay na yung may pagkaabalahan ang bawat tao—partikular ang mga estudyante.
Ngunit bakit hindi natin magawang maalala masyado ang kanyang mga ambag sa kabihasnan sa kabila ng kanyang maraming okupasyon sa buhay? Gaya rin naman siya ng karamihan kung tutuusin e. Naging anak, estudyante, nagmahal, nasaktan, naging ama (kahit sa saglit lang), nanghamon sa kanyang mga kabaro, nanalo sa mga kalaban?
Dahil ba sa namatay siya sa pagiging “maraming alam”?
Yan ang problema sa atin e. Since the recent version ng time immemorial, mas napapansin pa natin ang mga bagay na nakapagpapaaliw sa atin kesa sa mga mahahalagang bagay na naging marka para maging malaya tayo bilang isang bansa. Kung maaalala, noong a-30 ng Disyembre, mas napansin pa ng karamihan sa atin ang kasalang DongYan kesa sa pag-gunita sa Rizal Day mismo; at noong ika-19 naman ng Hunyo ay kung ano-anong kababawan na lamang ang mas pinagtutuunan ng pansin. Mantakin mong wapakels nga tong mga to kahit may photobomb na sa likod ng Rizal Park e.
Kaya sa totoo lang, hindi na bago ang ganitong isyu.
Nakakasura, ano?
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!