Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 December 2015

Not So Gentle

12/12/2015 4:43:11 PM

Sa totoo lang, hindi ako nainiwala sa diwa ng salitang ‘chivalry.’ Ngunit alam ko na buhay na buhay ito, at hindi mamamatay sa adbiyento ng pakikidigma sa ekwalidad ng mga gender, sa panahon na moderno na ang paligid, at sa panahon na mas sibilisado na ang kilos ng sangkatauhan.


At higit sa lahat, hindi ako gentleman. 

Walang naming masama sa pagiging maginoo. Ngunit sa sa mga bagay na tahasan kong kinamumuwian sa pamantayan ng ating lipunan ay ang akto na dapat ay pinapaupo ang mga kababaihan.

At sa isang viral na Facebook post na kailangan pa talagang kunan siya ng litrato nang palihim (siguro naman ay natutunan niya rin ang “art of paparazzi,” ano po?), sa tingin mo ba ay nakaaangat ka na pagdating sa utakan? 

Ingat-ingat kasi sa mga pinopost, lalo na kung galit ka. Uso ang backlash. Kung anong pinost mo na tila pantitrip sa isang tao, babalik sa’yo hindi lang dahil sa hindi maganda ang kalokohang ginawa mo. Ang hirap kasi sa karamihan, akala mo tama na e. Akala mo porket nasa social media ka, influential ka na. Akala mo potket araw-araw kang updated ay hari o reyna ka na. Instant celebrity. (“famous” sa bokabularyo nila.) Parang alam mo na ang lahat-lahat ng tama at mali sa mundong kinagagalawan mo.

Eh sa kasamaang palad, hindi. Hindi porket hindi ka niya pinaupo ay hindi na siya gentleman. Malay mo, pagod lang talaga siya. Galing sa isang mahabang lakaran. O marami lang talagang ginawa. Nakakapagod kaya. Masakit sa katawan, lalo na sa paa o tuhod. Kala mo ba? Pagtayo nga lang ng isang oras o higit pa ang nakakapagod na e, maging pogi pa kaya?

At sa sitwasyon na kinasasadlakan ng MRT na halos sardinas na ang laman ng mga bagon at hassle pumila, may gana ka pang bumira nang ganyan? Na halos

Karespe-respeto ba ang ganitong klaseng opinyon at gawain, na halos ipahiya na sa buong mundo ang taong ito na naupo lang sa MRT? Sige nga, punyeta. Paki-explain!

At teka, ano nga ba pinaglalaban ng babaeng ito? Ang pagiging hindi gentleman ni koya, o kasama yung pagiging unattractive niya? Aba, parang T-shirt lang ng Team Manila at pamagat ng isang blog post ni Lourd de Veyra ah: Umasal Nang Ayon sa Ganda ang peg. Huwaaaaaw!

Maganda nga naman. Kaso yung itsurang panlabas lang. Kaya naman pala e. Kung sasabihin niya na ang litanya ng ilang babae na “Chivalry is Dead,” aba, may rebuttal din ang ilang mga tao riyan: yung kagandahan mo, hanggang mukha lang inabot. Hindi pumasok sa kalooban.

Araykupo.

Pero awat na. Humingi raw siya ng paumanhin.

Ayon ito sa artikulo na nilabas ng The DailyPedia. Tila nagkaayos na raw ang dalawa na pinangalanang Jonathan. At umaamin naman siya sa pagkakamali.

Kung totoo man, aba, mabuti kung ganun. At least may bayag ang babaeng ito na umamin sa kanyang kabobohan kamalian. Sabagay, kung sobra-sobra naman siyang namahiya, at apaw-apaw rin ang kanyang panghingi ng patawad.

Well, at least alam mo na kung gaano ka-GRABE ang social media. Pag inabuso mo nang husto, babalik at babalik ang masasamang epekto nito sa’yo. 

Lalo na kung akala mo ikaw na ang pinakamalupit na nilalang sa mundong ito. Hinay-hinay kasi.


Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!