12/26/2015 5:56:57 PM
Photo credit: Inquirer Entertainment |
So ayun na nga: Ika-41 na Metro Manila Film Festival na. Meaning, panahon na naman para mamayagpag ang mga Pinoy na pelikula sa ating bansa. At least, kahit sa dalawang linggo man lamang.
EH ANO NAMAN NGAYON?
Sa unang araw pa lamang kasi ay punutakte na ang sinehan. At sa parehong pagkakataon din ay pinuntirya ng samu’t saring kontrobersiya ang naturang patimpalak.
Ano namang bago dun? Eh parang since time immemorial naman ay uso na ang mga ito ah. Oo, mula sa panahon na ang a-artistic pa ng mga entry hanggang sa panahon na panay hanap-kita na lamang ang mga pelikula kahit basura ang nilalaman mula kwento hanggang sa teknikalidad gaya ng mga anggulo ng kamera, scoring sa musika, epektong biswal, atbp.
May ticket-swapping raw na nagaganap. Ganun? Oo ganun nga. Parang hindi na rin bago ito kung tutuusin. May mga pagkakataon kasi na hindi ka makakaknood ng sine pag di sapat ang tao sa loob ng sinehan. Kaya may mga tao na nanghihikayat na maood dun kasi nga flop ang showing.
Mariin naman itong tinaggi ng kumite ng MMFF. Yun lang.
At sa totoo lang, hindi naman ao magtataka kung ang maghahari sa talikya ng MMFF ngayon ay ang My Bebe Love #KiligPaMore na gawa ni Direk Joey Reyes at pinagbibidahan nila Alden Richards at Maine Mendoza.
Sa malamang, dahil sikat ang AlDub, maraming pupuri dito. E mga tagahanga sila e; don’t take it away from them. Tingin ko sa pagkapull-out ng ilang pelikula ay hindi naman direkta kasalanan ng mga fans e. Well, of course, demands. Usapang economics yan. At dyan rin papasok ang corporate greed.
Ito lang nag problema. May double standard ang Pinoy. At hindi na bago ito sa ating buhay kung tutuusin. Halimbawa, kung sa 10 katao na nagreact, 9 dito ang nagsabing okay ang pelikula sa kanila, isa ang hindi. At ganun din naman sa kaso ng ibang kalahok sa Metro Manila Film Festival.
Ang pinagkaiba: pag ang mga gaya ng Honor Thy Father, Nilalang, at kung anong pelikula na kasama dun na ibang-iba sa tipikal na mga pinapalabas sa mainstream, wala namang papansin sa mga nagrereact ng negatibo.
Samantala, pag nagsalita ka ng disgusto sa mga gaya ng My Bebe Love, Beauty and the Bestie, atbp., ay tahasan kang mababash sa social media. Parang gusto kang sunugin nang buhay at mamatay nna lamang.
Ano pang silbi ng social media kung ganun?
Ano pang silbi ng social media kung ganun?
Ay, tangina, ayos din kayo e no? Nakakalokang lipunang ito. Anong gusto niyo, kayo lang maususunod? Hindi naman yata lahatay gusto ng mga pelikula na sa tingin nila ay basura o pang kababawan lang. Siyempre, lahat tayo kanya-kanya ng taste. Kung gusto ng iba na malibang lang, syempre trip nila ang manood ng kung anong gusto nila. Subalit kung sa iba ay gusto nila ng dekalibreng palabas ay siyempre ganun din ang gagawin.
Wala sanang basagan ng trip pero kung babasagin niyo ang pananaw ng iba dahil sa pagsasabi niya ng hindi nya nagustuhan ang pelikulang hinahangaan mo, as long as hidi naman niya binash at sinabi na ang krrtisimo nang naayon sa antas na kaayusan naman, aba’y tanngina rumespeto ka. Basag-trip ka? Basagin ko bungo mo dyan e.
At bilang huli, how true na nadisqualify daw ang Honor Thy Father para sa Best Picture? Dahil pinalalabs sa ibang bansa? Dahil sa rating na masyadong hindi pabor sa nakararami? E “commercial exhibition” na nga lang eh. Hindi na nga pinapalabas sa ibang sinehan e. Award-winner na nga to e.
O baka takot lang sa posibilidad na humakot ito ng parangal sa awards night ng MMFF?
Naku ha? Umaariba na naman ang mga talangka. Sinusubuka na nga ng ilang filmmaker na iangat muli ang antsas ng kalidad ng pelikula sa Pinas, kayo naman ang regresibo na puro pera na lang ang nasa isip.
Tama talaga si Direk Joey sa sinabi niya noong nakaraang taon. MMFF is a business.
Bakit? Kasi it shows. Pelikula pa lang niya ngayon ay halata na.
Author: slickmater | (c) 2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!