Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 January 2016

Extra

1/6/2016 12:37:30 PM

Isang open letter sa isang batikang direktor ang naging viral nitong mga nagdaang araw. At ano ang dahilan? Pagmamaltrato sa “ekstra.” Sa isang liham na kumalaht sa Facbeook, sinabi na siya at ang kanyang boyfriend -- na wala namang backgrounds sa acting -- ay paulit-ulit diumanong nababastos at pinapahiya ng direktor na si Cathy Garcia-Molina. Oo, siya nga na naging direktor ng ilang mga pelikula na pinapanood mo sa kasalukuyan.

Oh. Eh ano naman kung ganun? Ano namang bago? Sa totoo lang kasi, walang lugar ang mga balat-sibuyas o insensitive na tao sa mundo ng TV production. Minsan nga, hindi lang sa shooting set nagaganap ang mga ganyang bagay. Pagkatapos ng shoot, pustahan, may mga pamumulitika pang nagaganap. Yan at sa kabila ng mga “core value” na obviously ay pino-pronta ng hindi lang ng mga network, pati na rin ng ilang mga kumpanya sa kani-kanilang mga website. 

Ngunit sa kabila ng mga ganyang bagay, tingin ko, majority naman ay nag-eexercise ng mga dapat ay pinapakitang mga core value.

Pero ano naman kung ganun? Anong bago? Patunay lamang ito siguro na hindi lahat ng mga bagay na nakikita mo sa media ay magagnda. Minsan, katakot na pagod, hirap, at minsan pangungutya pa ang inaabot ng mga taong gumagawa nito. Hindi biro ang magtrabaho sa ganyang industriya. Nakakapressure din gaya ng karamihan sa mga trabaho. 

At kung ang inaakala mo na isang malaking luxury ang magtrabaho sa media, nagkakamali ka.

Siguro nga lang, dala ng pressure ito. Gaya kasi ng ilang mga protokol o polisiya sa mga bagay-bagay: pasok sa isa, labas sa kabila.

Bagamat sinabsaing may pahayag na ang pamunuan ng ABS-CBN o nakipagdayaologo man na sila, at least, napatunayan na nageexist ang ganyan sa media. Oo, mahirap ang buhay-media, kahit extra ka pa.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!