Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

13 January 2016

Tirada Ni SlickMaster: 2015 MMFF Edition (Part 2)

12/28/2015 2:46:44 AM

Disqualified ang Honor Thy Father mula sa Best Picture award sa ika-41 na Metro Manila Film Festival.

Alam ko, nabanggit ko na ito sa previous na Tirada Ni SlickMaster ukol sa 2015 MMFF. Pero mukhang naging masalimuot ang proseso ng pagkakadiskwalipika nito.

Ayon sa mga tropa ko na nagko-cover sa entertainment industry, ang pagkakamali raw ay ang pagpalabas nito sa opening ng Cinema One Originals 2015. At hindi naman raw ito kasali sa naturang contest. At dinisclose pa nga nila ito sa MMFF.

At iyan daw ang naging violation ng Honor Thy Father para hindi makasama sa nasabing patimpalak. 

Ganun? Oo, ganun nga.

Ayon pa nga sa iilan, hindi raw deserving ang ilang mga napiling manalo. Naku, mahirap magsalita dyan. Siguro, mas okay na magbiaw ang mga kritiko talaga ddito na as in lahat ng walong pelikulang kalahok sa MMFF ay napanood nila. At least may ideya sila.

Pero pinabulaanan ito ng execuive producer na si Dondon Monteverde. Aniya, alam ng MMFF ang mga kilos ng Honor Thy Father at bagkus ay late nga silang nadadgdag sa lineup.

Ayos. Ay, mali, ayos sana. Ito ang problema. Hindi lang Honor Thy Father ang kanselado. Pati Nilalang din daw. Napull-out pa nga sila mula sa ilang sinehan. Ang saklap no?

Kaya sa totoo lang, ayokong isipin na nagmukang pakonswelo na lamang ang pagkapaalo ni Erik Matti sa Best Director award sa ginanap na awards night kanina. At isang matinding pasabog na nga lang ang mga binitiwang salita niya bilang pagtanggap sa naturang parangal. Hindi lang ito patama sa ehekutibong kumite ng MMFF, kundi sa pangkalahatan na mula sa mga kapwa filmnaker hanggang sa mga manunood. Hindi naman siguro bago ang mga hakbang na ginagawa ng iba’t ibang mga filmmaker na iangat muli ang antas ng kalidad ng mga pelikula.

At sa totoo lang: dapat bang sisihin rin ang mga may ganid na kapitalista dito? Siguro.

Pero ito isa ang problema: una, nagdedeteriorate na ang panlasa ng karamihan sa mga bagay-bagay Siguro dahil sa mga jologs sila, o baduy, o maka-masa. At ang problema, ang saklaw ng masa sa ating bansa ay mayorya ng mga nasa lower class. 

Saka isa pa: ang Pasko ay nagiging panahon na ng komersiyalismo, hindi na ito gaya ng dati na mas naipapakit ang diwa ng bigayan.

Oo, may konek nga ito. Nagbabago ang panahon.

Author: slickmaster | © 2015, 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!