Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 January 2016

Tirada Ni SlickMaster: Drive Pa More!

1/10/2016 2:22:16 PM

Isang siklista ang namatay matapos gulungan ng isang trak sa Marikina city. Yan ang isa sa mga balitang gumulantang sa lipunan sa simula ng bagong taon, maliban sa mga isyu ng naputukan at nalalapit na eleksyon.

Hindi nga lang yan isang trak e. Isang trak na pagmamay-ari ng gobyerno. Aray ko po. Mantakin mo ang mga mas dapat na nangunguna sa pagsunod sa batas gaya ng mga sasasakyang pang-gobyerno ay ang siya pang pasaway?

Ayan. Deads tuloy si ate na naghatid lamang ng kanyang bunsong anak sa pinapasukan nitong paaralan.

Ang siste: sa bike lane pa ito nasagasaan. Oo, ang lungsod na kung saan maraming nakalagay na bike lane. Ang siyudad na minsang kinilala sa disiplina ng mga mamayan. Ang Marikina City na nagbibigay ng karapatan sa bawat gumagamit ng bisekleta na gumamit ng kalsada.

Tangina sa pedestrian lane nga hindi na marunong gumalang ang ilang mga tsuper e. Sa bike lane pa kaya? Totoo. Hindi ko lang napapansin ang mga ganyang sitwasyon. Minsan nararanasanan pa. Yung tipo na tatawid ka, green and go ang ped xing light na dinaraanan mo, tapos may mga ungas pa na haharurot na kala mo ay nasaniban sila ng isipiritu nila Dominic Torretto o Conan O’Brien.

Dami talagang siraulo na mga tsuper e no? Hindi na nga sumusunod sa batas ang ilan, may gana pa silang maging arogante na para bang kayo lang ang may-ari ng kalsada o kayo lang nagbabayad ng buwis.

Speaking of which, para siya yung taxi driver na naging tampulan ng pambabash dahil sa kanyang pagiging arogante sa isang pasahero. Ikaw ba naman kasi na mangontrata tas ayaw ng pasahero mo ng ganun. 

Pare-pareho naman tayong nagtatrabaho e. Kelangan bang manlamang sa kapwa? Hindi lang naman kayo ang nahihirapang mamayan ng lipunang ito ah para lang maningil nang sobra-sobra. At huwag kang hihirit ng “Singkwenta pesos lang?!” Dahil baka barahin kita dyan “Nang dahil sa singkwenta pesos, manggagago ka na? Na para bang holdaper na pag di mo binigay ay papatay ka?”

Punyeta, ganyan na ba kadesperado ang ilan sa inyo? Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!