Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

23 February 2016

Chismax Overload (v. 2016)

2/23/2016 9:05:57 PM

Tama na. Sobra na. Oo, alam ko, tunog-pakikibaka lang. 

Pero tangina naman oh. Isang linggo na ang nakalilipas, di pa rin kayo makaget over sa usapan? Ano ba meron sa opinyon ni Pacquiao at ganun na lang kayo nanggagagaliti sa galit?

Ah, masahol daw kasi sa hayop. Ikaw naman kasi e. Nakakaloka ka, kuya. Bakit mo naman ikukumpara kasi ang kahasolan ng tao sa hayop padating sa usapang same sex marriage? Mali nga naman yun kahit sabihin mo pa na nagsasabi ka lang nga totoo ayon sa mga nababasa mo sa Bibliya. (Baka nga kwestiyunable pa yan sa mata ng ilan, teolohista man o kontra.)

Ah, di naman yun daw ang eksaktong sinabi e, Putol lang daw yung video. Hindi raw yan yung kabuuang interview kay Manny Paccquiao sa usaping same sex marriage. Ahh sa madaling sabi, ang gago din ng media no? Pinapalki ang isang isyu, ke malalim man o mababaw; basta kilala sa lipunan ang nagsasalita.

Pero ano nga bang kinagagalit ng mga ito? E di ba nanghingi na ng tawad si Pacquiao, di ba? Bakit may mga nagagalit pa rin? Hindi makaget-over? Nasaktan ng sobra-sobra?

Well, of course lahat naman kasi ng tao ay may kanya-kanyang tolerance pagdating sa mga sakit na nadarama, pisikal man o emosyonal. At sa usapin ng same sex marriage, gender equality, at lalo na sa pagtingin sa LGBT bilang mga kapwa tao gaya ng mga straight na male at female na specie, wala na kasi tayo sa medeival ages na kung saan ay napakalupit ng lipunan sa mga tao; kung saan dapat ay naayon ka sa antas ng mga kabao mo. Sa madaling sabi, panahon rin para sa karamihan na ng mga OC, perfectionist, o sa pinakarealistikong termino, conservative. 

Saka isa pa, masyadong nakakalokang argumento ang mga scripture ng relihiyon. Kung ganun, lalo na sa Lumang Tipan, baka magulat ka na lahat (kung hindi man lahat) ng mga kilos na taliwas sa pananampalataya ng Kristiyanismo ay may kaakibat na kaparusahan na maglalagay sa iyo sa kamatayan. At naiba lamang yata ito sa Bagong Tipan.

Kitam mo, mas barbaro pa nga ang mga tao noon. Oo, noong panahon na nagsisimula pa lang mapalaganap ang pinakapopuladong relihiyon sa mundo. Kaya noon pa lang, uso na ang hipokrasiya.

At hindi malabong sa panahon ngayon ay naririyan pa rin ang mga ganyang tao. Makikita mo na lang yan sa Internet, lalo na sa mga gaya ng Facebook. Mga banal na aso, santong kabayo, ika nga ng bandang Yano. Tangina, nakikipagtalo, nanunumbat sa ibang mga ordinaryo’t troll na user sa sikat na social networing site. Tas sasamahan pa kayo ng mga berso sa banal na aklat.

Kaya nga mula kila Ira Panganiban hanggang ay Jessica Zafra, ay kanya-kanyang kuro-kuro na ang mga tao, na nauuwi sa matindi’t nakakalokang gulo sa cyberspace.

Hoy! Huwag niyo ngang haluan ng relihiyon ang usapin na yan. Ang problema kasi dito ay ang same sex marriage ay hindi nga tanggap ng simbahan; pero ang pakikibaka naman nila ay wala naman kinalaman sa relihiyon kung tutuusin. Para ito sa legalidad. Para matanggap din sila gaya ng mga paobirot niyong love team sa primetime tv. At hindi para i-diskrimina ng mga mapaghusgang tanga na gaya niyo.

At yan ang problema kung imbinsibol ang tinatawag na separation of church and state. Kalokohan ang pag-isahin sila na ayon sa pahayag ni Pacquiao. Dahil nga may alintuntunin na dapat nagsasaad sa ganyan. Kung tutuusin, parang relihiyon ang gobyerno ng estad at para ding gobyerno ang relihiyon. At sa konteksto ng mga paksyon sa Pilipinas, may pagkakapareho sila: nagiging negosyo sila..

Pero mukhang tapos na rin dapat ang isyu na ito e. Nagsorry na ang mama. May ilang grupo naman na nappektuhan ang tinanggap ang kanyang pagkakamali.

Sana nga lang, tayo ay makamove on na rin. Kasi sa panahon na nagaaksya ka ng laway at brain cells kakadada sa isyu na yan, marami ang nangangamba sa digmaan sa gitnang silangan. At andun rin ang ilang kababayan mo. Nakakasira na nang bait ang nangyayari sa sarili mong bansa, what more pa kaya ang planetang kinasasadlakan mo ngayon?

Sa panahon na nakikipag-talastasan ka sa mga idiota sa social media, marami naman ang nagiging usapin sa eleksyon, bagay na dapat mas pakialaman mo dahil ang boto mo ang posibleng makatulong sa isang pagbabago.

Sa panahon na nakikipagduelo ka ng salita ukol sa isang malamyang pagputak ng pambansang kamao, marami ang nagugutom, humuhugot at nababagot sa internet connection. Hoy, maliban sa pangalawa basic right ng tao ang tinutukoy ko riyan no.

Ay, Jadine, sila na?

E pucha, ano naman ngayon?!

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!