Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

26 February 2016

EDSA After 30 Years... Anyare?

2/25/2016 1:29:55 PM

Tatlong dekada na mula noong nangyari ang isa sa mga malalaking kaganapan sa ika-20 siglo, ang people power revolution na naganap sa EDSA, o ang tinatawag na Epifanio Delos Santos Avenue. Imagine mo na nagmartsa ang mararaming tao mula sa magkakaibang sektor ng lipunan, upang ipaglaban ang demokrasya ng bansa laban sa diktadurya ng yumaong dating Pangulo Ferdinand Marcos.

Pero naupo na si Corazon Aquino mula noong Pebrero 25, 1986. Sinundan ito ng mga administrasyon nila Ramos (1992), Estrada (1998), Arroyo (2001), at ang kayang anak na si Benigno Noynoy Aquino III.

At thirty years na mula noong EDSA People Power revolution. Ano na nga ba ang nangyari?

May mga mall na. Halos kada major area pa nga e, hindi nasususnod sa bisyon ng isang tycoon na halos apat na kilometro kada mall. Maliban dun, may mga kaliwa’t kanang mga gusali rin. Kaya nga naman nuknukan na rin ng traffic lalo na pag may sale.

Thirty years after EDSA Revolution. Anyare na?

Dahil traffic sa mga kalsada, traffic rin sa mga daan. Kung hindi makipot ang mga sidewalk, pila naman ang naabot sa mga istayson. May MRT ka nga, pero ang dami ng mga sumasakay rito, tumataas to the extend na inaabot na hanggang sa mga sidewalk minsan ang mga pila.

At aanhin mo ang MRT kung mataapos ang isa’t kalahating dekada ay para na ring isang uri ng basura na rin naman ito.... Nabubulok?

Thirty years after EDSA. Anyare?

Traffic na sa sasakyan, traffic pa sa pasahero. Ano pang aasahan mo? Namumura lang ang EDSA. Nagiging isa sa mga pangunahing kinaiinisan ng mga mananakay ang EDSA. “Tangina mo, EDSA!” daw. Ang traffic mo daw kasi.

Teka. Kawawa naman si Mang Panyong, ano? Ano bang kasalanan ng dakilang histoiran na naging direktor ng National Library at gobernador ng Nueva Ecija sa inyo?

Matraffic ba? Bakit hindi mo isisi sa mga bwakananginang mga tsuper na walang disiplina sa kalye? Hindi lang bus ang may hanay ng mga tarantado, pati mga nasa private vehicle driver din. Akala mong nagmamalinis e ungas lang din naman pala. Mahilig mag-cut sa mga linyang hindi dapat tine-take. Oo, pati yellow lang, sasakupin mo. Siraulo pala to e.

Tas may balak pa kayong ipangalan ito sa Cory Aquino Ave.? Mahiya naman kayo ‘oy. Siguro kung 19 de Hunio pa ang pamagat ng kalsadang ito, baka nanggagaliti ka pa kay Rizal (siyempre, birhtday nya yan e). O pag Highway 54, baka mapataka ka kung asaaan ang 1-53 and 55-beyond.

Thirty years after people power revolution. Anyare??

Imagine mo ang kaburatan ng mga tao noon at ngayon. Oo, nakipaglaban ka nga para maiwaksi ang karahasan ng rehimeng Marcos. Pero matapos ang limang administrasyon, nasaan na nga ba tayo? Nasaan na ba ang diwa na minan nating pinaglaban?

Ayun, sa sobrang laya natin, wala na tayong kinikilalalng pamahalaan. Weh, ang nakaupo sa atin? Pucha, tiwali rin e. Bagamat masasabing hindi gaya ng kahasulan ng pamahalaan noon, e hindi naman lahat ng batas ay sinusunod natin e.

Nanantili na lang bang highway ang lahat ng bagay na ni-revolt natin noon? Huwag naman sana, ano. Saka isa pa: kung alam mong maraming dadaaan, huwag naman sanang isinasara ang kalsada.

Ah, dahil minsan lang sa isang taon i-celebrate? Pucha, mahalaga nga ang pag-alala sa ganyan. Pero alin ang mas mahalaga? Yung kalsandang madadaan na walang inconvenience sa mayorya, o yung kaganapan na minsan ay ipinagdiriwang na may halong pulitika, sa halip na maging isang kultural na kaganapan.

Yan napapala ng kasaysayan e. Mga nagwawagi lang ang nagsusulat, kaya nababahiran rin ito ng pamumulitika.

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!