Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

17 February 2016

Hayop!

02/17/2016 02:37:43 PM

bbci.co.uk
Parang kahayupan lang ang nangyaring usapan kahapon ah.

Masahol raw sa hayop ang sinumang nakikipagrelasyon sa isang tao na kapareho nila ng kasarian, ayon yan kay Manny Pacquiao. At sino nga ba ulit siya? Isang kilalang boksingero na naging isang host sa telebisyon, pastor at pulitiko.

Alam ko: napakasolido ang pananaw ni Pacquiao sa usapang same-sex marriage: ayaw. Hindi gusto.

Pero kailangan ba itong ikumpara sa isang asal ng masahol at sa isang nilalang na gaya ng hayop? Oo, mas masahol daw ba kesa sa mga hayop?

Sablay na analohiya dala ng maling pagpili ng mga sasabihin na salita. At higit sa lahat, patunay kung ano ang kulang kay Pacquiao: hindi lang karanasan, kundi rinutak. Hindi kasi lahat ng bagay ay nadadaan sa popularidad at pera para magtagumpay. Mayaman na pulitko ka nga. Sikat ka. Ayos, binoto ka ng marami. Ngunit sapat nga ba ang basehan na yan? Baka ng basic o common sense (at least) sa ganyan ay medyo kinulang pa ata. Yan ay kung ite-trace pa ang mga nadokumentong panayam sa kanya.

At hindi rin pala siya umaattend ng sesyon? Dahil ba sa training? Pero sapat bang dahilan yun para umattend ka lang sa 16th congress nang apat na beses (oo, 4 na beses lang!) tas mantakin mong vice chairman ka pa ng isang kumite at maraming nakaatas na responsibilidad na nasa'yo na pinasa sa kapwa kongresista mo? Tsk, tsk.

Ay, dahil blinded siya by faith? Ganun ba? Patay tayo dyan. Ang hirap pa naman kapag ang combo na 'to ang nagiging laman ng usapan. As in mahirap makipagtalo sa tao pag ang usapan ay relihiyon o moralidad. Tas mahirap din makipagtalo sa kanila kung madaldal (bagamat hindi naman lahat ng tao—lalo na sa myembro ng third sex—ay magkakauri at all pagdating sa asta at ugali).

Kaya masisisi mo ba kung hindi sila mabadtrip, hindi lang dahil sa kabilang sila sa 3rd sex o LGBT community na nasaktan, kundi dahil para mo na ring piansaringan ang sangkatauhan.

Teka, kung blinded by faith, siguro naman natuto na siya sa kanyang kamalian noon: ang pakikiapid. Oo, yan ay kung pagiging imoral at masahol-pa-sa-hayop ang usapan. So, quits lang pala tayong mga tao kung ganun, ano po, Manny?

Well, turns out na naging one-day riot ang lahat. Humingi ng paumanhin si Pacman sa lahat ng nasaktan.

Kahit na natapyasan ng matindi ang mga follower niya sa Twitter (oo, mula dalawang milyon ay 9 na libo na lamang sila). Sana nga lang hindi siya matanggalan ng husto ng endorsement, ano po? Mula sa mga brand na nagpe-premium sa kanyang mga laban hanggangsa apparel na kanyang sinusuot. Tingin ko hindi naman baba ang sales ng NIKE e no, lalo na sa Zalora?

Ngunit ang epekto nito ay mukhang mahaba-habang panahon na pag-uusapan, unless gumawa ulit ng isang matimbang na ambush interview ang media na mageexpose na naman sa mga nakakalokang statement ng sinumang tatakbo ngayong eleksyon.

Maaring sensationalized ang isyu. Given. Maaring ginawa nating national item ang kapalpakan ni Manny sa pagbibitaw ng salita. Given. At alam rin natin na kikita ang media sa pagpuna ng mga mali sa lipunan—malaki man o maliit na bagay.

Given.
Pero patunay lamang yan na kung gaano rin tayo katanga pagdating sa pagpili ng iboboto natin. See what happens when you vote a popular but no-brainer in the government? Ngayon ba ay alam mo na kung anong klaseng pamahalaan ang mabubuo natin kapag sikat lang—kahit walang laman, at mapera lang—ang mga andyan sa iyong harapan at nanliligaw sa iyong matamis na pag-itim ng bilog/pagsulat ng kaniulang pangalan sa balota? 

Hayop sa astig, di ba?

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!