Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 February 2016

Valentine’s Day Na! E Ano Ngayon?! (v. 2016)

2/11/2016 10:22:32 PM

For the nth time, Valentine’s Day na naman. Araw ng mga puson, este, puso. Araw ng mga nagmamahalan. Araw ng mga naglalandian -- ay, nagmamahalan ba? Sorry -- na mga magsyota; habang araw naman ng kabitteran ito sa mga single. Oo, Single Awareness Day daw sa kanila. Ang SAD no?

Eh ano naman ngayon? 2016 na, hindi ka pa rin nagsasawa na magrant bout Valentines Day?! Bitter O’Tampo ka talaga e no? 

Mali, mga tanga lang talaga kayo para manghusga kagad.

Oo, Valentine’s Day na nga. 2016 na nga! E panay kalandian/”pagmamahal” pa rin yang inaatupag mo samantalang nananatiling wapakels ka pa rin sa mga nangyayari sa bansa. Hindi mo ba napapansin na baka nililigawan na rin yang jowa mo ng pulitikong tumatakbo ngayong eleksyon? Aba, kung gusto niyong bumuo ng future ng jowa niyo, aba magseryoso din kayo sa pagmamahal sa bayan, ano po?!

Valentine’s Day Na! E Ano Ngayon?

Maliban sa talamak ang bentahan ng mga bulaklak, tsokolate at ultimo ang condom at pills, good luck na lang kasi sigurado -- kung bihira -- na walang bagsakang presyo ang magaganap dyan. Malamang, dyan papasok ang komersyalismo. 

At yan ang problema sa araw na yan. Nadadala ang iba sa ganyang klaseng konsepto. Hindi ka ba nagtataka kung bakit kadalasan ay puno ang mga lugar gaya ng magagarang hotel, motel, restaurant, at ultimong mga sinehan, bar at mall? 

Pero espesyal ang valentine’s day e. Talaga lang ha? Para sa mga taong nagmamahalan, bawat araw ay espesyal. Punyeta. Kalokohan. Ginawan niyo lang ng titulo ang araw na parang ang dating ay pag ordinaryong araw ay ang hindi niyo tinatrato ang mga syota/asawa niyo ng mas espesyal? E paano yung mga minanamahal nilang anak, o magulang, o kaibigan, o dili naman kaya’s malalapit na kamag-anak?

Parang unfair naman ata. Hindi yata kayo nanood ng mga gaya ng All You Need is Pag-ibig eh. Hindi lang naman romatiko ang iisang kahulugan ng pagmamahal at relasyon.

Besides, kung para sa ilan ay Valentine’s Day ang panahon para makipagtalik sa kanilang iniirog, ‘nyeta. Parang hindi niyo ginagawa yan sa panahong nag-iinit kayo ah, o noong nagha-noneymoon kayo. Ahh, dahil espesyal daw. Asus, mas espesyal pa nga yata yung panahon na nakabuo kayo sa isang random steamy night kesa naman sa V-day mismo na kaya niyo lang ginagawa yan dahil uso. At baka nga nase-stress pa kayo dahil sa pilang naghihintay na makapag-check in.

Umayos nga kayo, ‘oy.

Maiintindihan ko pa kung ang espesyal na kaganapan sa araw na ito ay yug mga konsyerto e. Lalo na kung isang metal na banda na tutugtog ng mga love songs na para bang hindi nila yun istilo ng tunog. E kung panay mga balladero at balladera lang naman ang kakanta na para bang nililigawan kayo. 

Hindi na bago yan e. Maiba naman, please? 

Besides, ang Valentine’s Day ngayon ay papatak ng araw ng linggo. Kaya kung relihiyoso ka, magsimba ka naman. Magdasal kahit saglit lang. Oo, unahin mo muna ang Dakilang Maylikha kesa sa makamundong pagnanasa mo sa kasintahan mo. Bawas-bawas din ng kasalanan pag may time.

At kung hindi ka naman relihiyoso, suhestiyon ko sa’yo ay wag kang magdrama kung single ka at dateless. Potek, sa isang araw lang ba tayo dapat makaranas ng feeling special? Na dapat ay maide-date tayo E pucha pwede mo naman gawin sa kahit anong araw yan e. Anak ng tipaklong naman oh.

At ang Valentine’s Day ay parang araw na ordinaryo man, ssadyang may titulo, o napaka-espesyal lang... Lilipas din yan. Kaya tangina, tigil-tigilan mo ang kadramahan na ganyan. 

Sa ikauunlad ng bayan, huwag mag-Valentine’s Day kung ikaw ay sadyang nakikiuso lang. Magkakalat lang ang basura sa paligid. Baka nga yang bulaklak na inalay mo sa kanya ay malalanta lang din kinabukasan na para bang bagong hain na pagkain -- napapanis din.

Valentine’s Day Na! E Ano Ngayon?!

Tangina. 

Tigil-tiglan mo nga pagiging Breezy. Mag-aral ka nga... Na umbig nang tama at hindi ang umibig nang tanga. Punyeta, kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e!

Author: slickaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

1 comment:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!