3/30/2016 8:06:50 PM
Isa sa mga dinarayong lugar tuwing Semana Santa ang lungsod ng Antipolo sa lalawigan ng Rizal. Sa katunayan, isa sa mga nakaugalian na ng mga Pilipino rito ay ang anwal na tradisyon ng Alay-Lakad, kung saan maraming mga deboto ang tinatahak ang mga pangunahing kalsada papunta sa simbahang Our Lady of Peace and Good Voyage pagsapit ng hapon twing Huwebes Santo, at nagtatagal ito hanggang umaga ng Biyernes Santo.
Kaso, sa kabila ng pagpepenitensya, may isang problema na mas malala pa yata sa pagiging mortal sin ng ma tao: ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan.
INQUIRER |
Aniya, sinabi ng Greenpeace Coalition na sa kabila ng mga paalala ay lagi na lamang nagiging suliranin ang hindi madisiplinang mga tao sa pagtatapon ng basura sa paligid ng Manuel L. Quezon Street at Sumulong Highway, gayun din sa mga kalye sa loob ng naturang lungsod.
“For the nth year, littering reared its ugly head as tens of thousands of people braved searing heat on Maundy Thursday to perform their penitential ‘Alay-Lakad’ to Antipolo City,” ayon kay EcoWaste Coalition coordinator Aileen Lucero.
Ganun? Kinaya ninyo ang magtiis sa init ng panahon para magpenitensya kay Lord, tapos ang pagdisiplina sa sarili ukol sa pagtatapon ng basura, hindi?
“Litterbugs had a field day tossing all types of rubbish from cigarette butts, snack wrappers, plastic bags and bottles, paper cups and bowls to bamboo skewers and coconut fronds. Even the hallowed grounds of the Antipolo Cathedral were not spared.”
Kawawa naman ang Antipolo, pati simbahan, dinamay sa kababuyan ng ilan. Mula samu’t saring basura na hindi kayang itapon sa tamang lugar.
Pero susme. Ano namang bago? Since time immemorial pa nga yata ito nagiging problema eh. Nagpalit na ng administrasyon, lumapad na ang mga higway, sinarado na nga lahat-lahat ang Hinulugang Taktak (dahil rin sa similar na problema) at nagkaroon na nga nga bagong palengke at mall dun, hindi pa rin yata tayo natuto, ano.
Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas, eh. Simpleng pagtatapon pa lang ng basura, hindi magawa.
Tapos pag sinita, may gana pang magngawa. Hindi raw kasi kaya ibulsa. Hindi rin nila matitiis na may dumi sa kanilang mga suot na.
Ganun? Parang ang linis mo naman inside and out, ano?
Eh teka, hindi kaya dapat may nakalaan na mga trash bin sa mga dinaraanan? Gaya rin sa mga tent sa mga inuman ng tubig, emergency health help desk, saka ultimo mga makeshift na CR?
Ganun sana. Kaso minsan, out of hand ang problema. Kung hindi puno, mayadong madilim para makita ng tao. Or worst case scenario: sadyang tamad ang mga tao para tumabi para lang itapon ang basura.
Naku po. Bottom line, tayo pa rin ang may-sala. Anong silbi ng pagpepenitensya natin kung ganun pa rin, nakakagawa tayo ng pagkakasala? ’Di ba?
Tao pa rin naman kasi tayo eh. Nagkakamali.
Pero parang ang labo na para sabihin pa ang argumentong yan. Kasi kahit hindi alay-lakad, kahit sa isang simpleng pagtitipon man, o mapa hanggang sa mga malalaking kaganapan gaya ng pagbisita ni Pope Francis; at mapa-relihiyoso man, pulitikal, o showbiz pa, hindi na bago ang ganitong scenario. Hindi na bagao na lagi na lang ay magkakaroon ng gabundok na basura ang ilang mga pook at kalye na pinagdarausan ng isang selebrasyon. Pucha, buti pa sa ilang event eh, gaya ng rally raw sa Davao ay alam ng mga tao ang gagawin nila pagkatapos.
At hindi excuse ang dahil may trabaho naman ang mga janitor o metro aide eh. Siraulo. Maaring andyan nga sila para magpanatili ng kalinisan sa kalsada, pero hindi yan excuse para magtatatapon ka ng basura sa kung saan-saan.
Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. Dahil sa una, simpleng pagtatapon lang ng basura ay hindi magawa; at pangalawa, dahil sa paiikut-ikutin ka pa ng mga pagtatalo ukol dyan.
Punyeta.
REFERENCES:
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!