Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

30 March 2016

In 3-6 Months?!

03/29/2016 12:01:41 PM

Sinsasabi ng isang opresidentiable na pangalan ay Rodrigo Duterte na susupilin niya ang krimen sa pinakamaagang bahagi ng kanyang termino sakali mang maluklok siya sa 2016 Presidential Elections.

Aniya, in 3-6 months.

Ows, talaga? Hindi nga? In 3-6 months, hindi ba masyadong makatotoohanan ang ganyang takda o deadline? Sa unang tingin, maari.

At sa isang mundo na puros salita't sinungaling gaya ng pulitika, maaring isang malaking kalokohan ang mga binitiwang kataga.

Pero malay mo naman, hindi naman kasi lahat ng pulitiko ay nagpuputak lamang nang putak nag walang nalalaman sa mga bagay-bagay.

Oo, malay mo, nanaliksik din naman siya. Nagresearch; bagay na kailangang gawin ng sinumang nagbibitaw ng salita para naman maipako sa realidad ang mga salitang sinambit. As in maging realidad ang minsang pinangarap para sa bayan.

Ayaw maniwala? Itanong mo na lang kamo kay Wency Cornejo.

Yun nga lang, ibang gawi na ang panghawakan ang isang bayan kesa sa isang “bayan.” Isang bansa kesa sa isang lungsod. At kahit makipagtalo pa kayo na pinakamalaking lungsod sa Pilipinas ang Davao City, hindi pa rin nitong matutumbasan at magagarantiya na kung anuman ang nagawa niya sa roon ay magagawa sa Pilipinas.

And same goes din pala sa norte, pre. Hindi magiging ganyan ang buhay sa Pinas kahit “ganito” pa kayo sa Makati.

Naisip ko rin nun, kung kailangan nga ng Pilipinas ang isang “punisher,” ang tanong: susunod kaya ang mga tao? Sigurado ba kayo sa kanya. Dahil pag siya ang nanalo, wala tayong karapatang maging pasaway. Kung sa mga nakalipas na administrasyon ay uubra yan, sa kanya, hindi.

Dahil maliban pa sa nakikita ko siya nun na mas kayang hawakan ang DILG gaya ng yumaong Jesse Robredo, ito ang magiging problema: pag hindi natugunan ni Duterte ang lahat-lahat ng kailangang matugnunan, masisira siya. Gaya nang nangyari kila P-Npy at Erap. At 'yan ang sakit natin.

Balik tayo sa kaso ng krimen, is 3-6 months realistic? Hindi, sa totoo lang. Pero kaya bang maiwaksi ang krimen at korapsyon sa pamamahala niya? Maari pa rin. At malaki ang posibilidad kung tutuusin.

Yan ay kung titindig siya sa kanyang paninindigan.

Dahil ang isang masaklap na realidad—ang krimen ay isang malaking negosyo. Oo, gaya ng pulitika. Ang mga pelikulang gaya ng On The Job ang mananampal sa iyo niyan. Magkaka-akibat ang tatlong mundo na yan.. At hindi lamang ito usapin ng mga petty crime, kundi pati na rin ang mga big-time na sindikato.

At ang crimebuster nun gaya ni Estrada ay naialis sa pwesto. Bakit? Malamang, epekto ng conspiracy theory. Maaring pinagtulungan siya ng mga nasagasaan niya sa kanyang krusada. Dahil na rin sa isang imahe na kanyang pinoprotektahan. Eh si Digong? Pinakita niya ang kanyang flaws hindi lang bilang pulitiko, kundi bilang tao na rin mismo.

Kung sakali man na mauwi sa ganito ang pamamahala ng kung sinuman ang manalo sa halalan.... tangina, baka masabi mo na lang na wala nang pag-asa ang bansang ito. Huwag naman sana po, ano? Dahil panigurado na balik din tayo sa pagiging utak-biktima sa halik na maging alerto at matapang kung sakali mang kailangan supilin ang krimen.

Besides, kung nauurat na rin kayo sa mga kaliwa't kanang krimen sa sirkulasyon—bagay na maari ring kasalanan ng media (sensationalization ba)—eh bakit hindi ang mga gaya ni Duterte ang mamuno?

Kung tutuusin, mas kailangan natin ng crime buster na gaya ni Duterte, eh. Yun nga lang, kailangan rin natin maglevel-up ano. Ano, sa pangulo/kakandiadtong pangulo ka lang aasa ng pagbabago?

Sa 'yo rin kaya, ano po?
 
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!