Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

31 March 2016

Malendorsement

3/30/2016 10:00:32 PM

Sa viral na mga video, nagkaroon ng isang kontrobersiyal na desisyon. Aniya, hindi ito pinaboran ng marami; bagamat hindinila alam na pawang trabaho lamang ang pag-endorso ng mga artista sa mga kakandidato ngayong eleksyon.

Bakit kanyo? Malamang, business yan eh. Raket-raket din pag may time.

Sinasabi isa sa mga malakaking blow ngayong eleksyon 2016 ang pagperform ng batikang rapper na si Gloc-9 sa isa sa mga proclamation rally ng tumatakbong mayor na si Abi Binay, anak ng bise-presidente at tumatakbong pangulo ngayong eleksyon Jejomar Binay. Gayun din naman ang pagperform niya sa isang political rally ni Jojo sa Noveleta. Cavite. Sa parehong okasyon ay nilunsan niya ang kantang “Pareho tayo.”

At tatlong taon ang nakalilipas ay ginawa naman nila ni Denise Barbacena ang “Dapat Tama” para sa kampanya ng GMA News ukol sa Eleksyon 2013.

Kaya ang sepkulasyon ng marami, ineedorso tuloy ni Gloc ang naturang pamilya.

Bagamat sinabi naman sa isang ulat ng Rappler na madalas naman ay nagpe-perform naman talaga si Aristotle Pollisco sa mga campaign rally sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, hindi pa rin yata ito maiintindihan ng mga taong nagmamasyado sa pulitika. Gaya ng paborito nioyng sarswela, kelangan ng tao ng hanap-buhay, lalo na kapag pangangampanya.

Hindi naman yata sinabi ni Gloc mismo na ineendorso niya yun, ‘di ba? Hindi naman yata siya gumaya sa ibang mga celebrity na umappear sa ibang mga advertisement sa telebisyon at malinaw na nagpapakita ng kanilang pag-suporta sa kani-kanilang mga manok ngayon halalan, di ba?

Saka isa pa, matuto tayong gumalang sa pananaw ng iba. Dahil yan talaga ang kabayaran ng pagiging malayang natin bilang isang bansa. Lahat ng tao, may kanya-kanyang trip, kahit sa totoo lang, sa mata natin ay basura yun, o masyado nang sellout sa pagiging mainstream. 

Maliban sa paghingi ng eksplanasyon, wala tayong magagawa.

Tama si Chito Miranda nung nagpost siya sa Facebook. 

Maaring may kumastigo rin sa kanya sa pagiging suporter ni Duterte; gayun din naman ang pagkadismaya ng marami sa atin sa pagpili ni Ramon Bautista kay Mar Roxas. Pero tignan mo ang usapan sa page niya, mas hinihikayat pa nga nya na suportahan ang mga nais nilang suportahan. In short, walang basagan ng trip.

Kaya kung ineendorse man ni Gloc sila Binay, kahit ayaw natin, well... ‘yun ang choice nya e. Ganyan talaga pag malaya ang bansa. Ganyan talaga pag may eleksyon tayo. Igalang na lamang natin. Baka sa kanya may nakikita siyang prinsipyo na hindi natin nakikita. 

Yan ang problema kapag nagiging political fantard ang tao eh. Kaya isipin mo muna kung may tumakwil na ba sa ‘yo, nag-FO kayo ng BFF mo, o nagbreak kayo ng jowa mo, dahil lamang sa pa kakaiba ng pananaw sa halalan. Dahil panigurado ay meron yan. Oo, gaya ng pagkainis mo sa ibang tao dahil sa trip nilang iboto si corrupt/kupal/incompetent/epal/inexperienced politician kesa sa prefer mo.

Quits, ‘di ba?

REFERENCES:

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!