Photo credit: Rappler |
Grabe ang inabot ng tao kahapon. Grabe ang init ng ulo nila. Ang pagkabadtrip; pagkadismaya; galit na bigla na lamang pumutok sa kani-kanilang mga account sa Twitter at Facebook. Ikaw ba naman eh, ang maghintay sa kawalan eh. Kala tuloy nila, may forever nga...sa paghihintay umere ang PiliPinas Debates.
Dahil sa isang matinding hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga partidong sangkot, ito ay naantala nang mahigit nobenta minutos mula sa orihinal na nakatakdang oras. Ang pinakamainit na debate na nagsimula sana noong alas-5 ng hapon, ay halos 6:30 na ng gabi pormal nag-umpisa.
Hindi lamang ito usapin kung bakit naging impatient na ang tao. Kasi nga naman, sinong hindi mauurat kung mag-aalas-5:30 na ng hapon ay hindi pa umeere ang PiliPinas Debates.
Pero saan nga ba nagkamali? Bakit humantong sa isang malaking delay ang mga pangyayari? Oo, sa kabila man ng mainit na patutsadahan na kala mo ay nanuod ka ng sabong ay isa pa ring pinakamalaking pagkakamali ang pagka-antala ng isa't kalahating oras?
May last-minute kasi na argumento. Last-minute na clarification ang kinailangan para rito. Ay mali, hindi na pala last yun.... late na pala.
Sinasabi na ang isa sa mga presidentiable ang “cause of delay” nito. Bagamat pinakauna siyang dumating sa apat na lumahok sa Visayas leg ng PiliPinas Debates 2016 na ginanap sa Cebu campus ng Unibersidad ng Pilipinas, aniya ang kanyang pagdala ng kodigo (o dokumento, ayon sa kine-claim nila) sa stage ay ipinagbabawal alinsunod sa pamantayan ng Commission of Elections (COMELEC).
At may miscommunocation pa palang naganap sa pagitan ng mga partido. Kasi si Luchi Cruz-Valdes mismo, na kinontak ng kampo ni VP, ay umamin sa pagkakamali.
Subalit, kung tutuusin, parang kahit sa unang PliPiinas Debates na ginanap sa Cagayan De Oro noong nakaraang buwan at sumahimpapawid sa GMA 7, ay may ganitong alintuntunin na, 'di ba? Kung ganun, ito ang tanong: nakikinig ba ang kampo niya, aber? Na bawal ang notes o 'kodigo' sa entablado mismo? Maari lamang kapag nasa backstage ka?
Halatang hindi yata nagrereview ah. O halatang hindi nakikipagcooperate sa COMELEC at bagkus, dumeretso sa media; na para bang bina-bypass na lamang ang ahensya ng pamahalaan na namuno mismo sa pag-oorganisa nito. Kaya ang dating tuloy ay sira na kagad ang Singko sa insidenteng ito.
Unang pagputok pa lamang ng balitang to sa YouTube, halata na nga na yun ang ugat ng lahat: miscommunication; the same problem sa mga relasyong bigla na lamang nasisira at mga taong nag-aaway. Oo, hindi pagkakaintindihan nang dahil sa magpinsan na dalaga na ang mga pangalan ay MISS-COMMUNICATION at MISS-UNDERSTANDING (of course, pun intended ito).
Sa isang anggulo naman ng pangyayari, sinabi naman na kinontra ito diumano ng karibal ni Jejomar Binay na si Mar Roxas. Dahil siya mismo nakapansin sa galawang iyun.
Aba, kaya pala eh. May umalma kung ganun. Lakas maka-expose ah. So, may pogi points ka na ba niyan? Kaya siguro mula simula pa lang ng programa ay mukhang naurat na husto si Koyang Jojo, ano po?
Pero sa totoo lang, pareho lang naman sila may mali eh. May bayag nga lang ang panig nt TV5 para umamin sa kanilang malaking on-the-spot na blunder. Ultimong ang lamang ng pagbabanter na nila Cheryl Cosim, Roby Alampay, Atty. Mel Sta. Maria at Atty. Harry Roque ay mga mensahe ukol sa pagkadelay ng nasabing debate.

Buti pa yung dalawa eh, si Grace Poe saka si Mayor Rodrigo Duterte, kalmado lang. Para pang mga komedyante.
At least, may balls si Luchi na humingi ng paumanhin sa buong publiko – manunood man sa venue mismo, sa telebisyon sa buong kapuluan at mapahanggang sa buong mundo.
Yun nga lang, dito nakita ang “Filipino Time” at ang mga huling hirit bago magsimula. Yung huling hirit na nauwi sa isang malaking kabadtripan sa mata ng marami. Mabuti na lamang ay hindi naubusan ng brain cells ang mga nagsilbing pre-show analyst sa kakatalakay ng mga mangyayari sa debate, sa resume ng mga kakandidato, at ano ang maari mong gawin bilang Pilipino.
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!