Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

09 March 2016

Re-Qualified!

3/9/2016 8:26:16 PM

Photo credits: Rappler
So matapos ang limang buwang kalbaryo, tuloy na tuloy na nga ang pagtakbo ni Grace Poe. Yan ay matapos umanong hatulan ng Korte Suprema ang disqualification case na naunang inapela ng kanyang kampo laban sa Commission of Elections. Sa botong 9-6, napatunayang unconstitutional ang paghatol ng COMELEC na kanselahin ang kanyang certificate of candidacy.

Maaring ibig sabihin nito ay taliwas sa sinasabing hindi natural-born ang naturang presidentiable. Ganun ba? At naatim ba niya ang residency requirement para lumahok sa halalan? Parang ganun nga. Pero hindi ba kung ang isyu lamang dito ay citizenship ay sana noon pa ito natuldukan? As in noong tumatakbo pa siya bilang senador?

Ngunit hindi naman payag ang mga pumabor sa COMELEC nito. Aniya, mahina raw ang Supreme Court. Ganun ba? Sa tatlong sangay ng pamahalaan, mahina ba ang judiciary? Sa totoo nga lang, pantay-pantay lamang sila ng mga taga-Kongreso’t Senado at ng Malakanyang eh. Hindi kaya binu-bully na naman ng dalawang sangay nito (partikular ng ehekutibo) ang hudisyal? Kung mapapansin kasi, panay kontrapelo na lamang sila mula noong umupo ang kasalukuyang administrasyon.

And pustahan: mukhang may aapela pa rito. Ganun naman lagi ang kalakaran sa Pilipinas e. Ang pulitika rito ay sumasalamin sa ego ng mga tao. Gusto lahat maging nasa itaas. At walang magpapatalo. Oo, kahit hanggang huling hininga pa kamo.

Sa isang banda naman, maaring isang laro lamang ang lahat. Kung susumamuhin, sino ba ang mas pinapanigan ng paritdo ng PNoy? Ang manok ba talaga nila? Hindi ba nagsisilbi rin yata siyang “scapegoat” dahil sino ba ang bina-backup-an ng mga oligarkiya sa puntong ito?

Ngunit para guluhin ang konseptong ito, patunay lamang yan na halos lahat sila ay mga “underdog” at nagpapaka-underdog. Bakit kanyo? Dahil ang mga inaapi na mga pulitikong tumatakbo sa social media, nakakakuha ng simpatiya mula sa ibang hanay; patunay lamang na kahit maraming may mga utak sa internet ay hindi sasapat para sakupin at maging “mayorya” ng mga botante. Tignan mo ang mga nangyari noong 2013. 

And ironically, lumabas ang desisyong ito sa International Women’s Day, Marso 8, 2016. Hoy, tangina, huwag niyong haluan ng usapang seksismo ang isyung ito ha? Umayos kayo.

Lakas maka-teleserye ng mga pangyayaring ito no? Parang napanood ko na ‘to. Pramis. Tangina, ginawa niyo na namang isang malaking sirko ang pulitika sa Pilipinas.

Punyeta.


REFERENCES:



Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!