Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

28 March 2016

Snapshot!

03/28/2016 10:06:22 AM 

Ito ang isa sa mga umaribang balita noong Semana Santa.

PINOY TRENDING NEWS
Oo, ang litratong 'yan kung saan ay nilarawan si Grace Poe na isa siyang madasalin at Maka-Diyos, mga bagay na hinahanap natins a isang kakandidato sa pagkapangulo.

Okay naman sana eh. As in wala naman sanang masama kung ipakita ang ganitong gawi. Ito ang problema: bakit niya hinayaan na pati pa naman sa isang sagradong pook na ang tawag ay simbahan ay sundan siya ng mala-paparazzi na media?

Na-bash tuloy siya sa social media. So, ano 'to, taktika para makakuha ng simpatiya sa mga nambubully na netizens? Necropolitics at its finest kung ganun—buma-bank ka sa emosyon ng tao eh.

Oo, sabihin man natin na hindi ito kagustuhan ng naturang presidentiable, na pinukulan na nga ng samu't saring putik gaya ng isyu sa kanyang citizenship at karanasan sa pagtatrabaho, pero pati pa naman ito? Hinayaan na lamang ilabas ng team niya?

Kung tutuusin nga, hindi dapat tayo masyadong nagre-rely sa mga katangian na may kinalaman sa relihiyon e. May takot sa Diyos? Okay. Pero may tinatawag tayong “separation of church and state.” Bagay na dapat ay huwag nang mag-meddle ang relihiyon sa mga paksang gaya ng eleksyon.

Ahh, kasi nga naman, nasa malayang bansa tayo? Ganun? Kahit sino, pwede mag-voice. May punto nga naman. Ngunit hindi naman ata sapat ang ganung argumento.

Kung madasalin nga siya, eh ano naman? Kahit sino namang pulitiko yata ay nagdarasal din naman e. Hindi nga lang nila pinili na kunan sila ng lente. At nawika pa nga yung ganung gawain sa Bibliya, na kung magdarasal ka, gawin ito sa panahon na ikaw ay hindi nakikita ng marami, at baka pa nga ya maluwag sa iyong kalooban. Meaning, huwag mong ipakita na nagdarasal ka para lang makakuha ka ng boto. Hindi naman block voting ang mga Katoliko sa Pinas eh, kaya hindi rin tatalab yun.

Siraulo rin kasi paminsan-minsan ang media e. At yung PR nila.

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!