03/15/2016 02:10:05 PM
Masyadong marahas ang mundo, lalo na kung ikaw ay nasa kalsada. Maraming nag-uunahan. Maraming ayaw magbigay-daan. Maraming arogante. Epitome ito ng machismo at ego ng karamihan sa mga kalalakihang nagmamaneho, dalawa man ang gulong mo o apat. At higit sa lahat, ayaw ng batas; ang irony lamang sa isang lipunang sa sobrang laya ay naghahanap sila ng mga batas na dapat sundin. Oo, lalo na kung maraming problemang nagaganap.
At ang isang biskileta, sa mata ng mga tipikal, ay minamaliit. Hindi ka ba nagtataka kung bakit minsan may namatay sa siklista kahit nasa “bike lane” siya? Hindi ka ba magtataka kung bakit ultimo ang isang kilalang reporter sa telebisyon
Bihira lang ang mga gaya ng Good Samaritan gaya ng lalakeng ito na tinaguriang Bike Man. Well, superhero ba kasi siya, o dahil sa mga nauusong trend gaya nila Carrot Man?
Ewan ko. Pero sino nga naman ang hindi hahanga sa gaya nito? Buti pa nga siya e. May ganang maghabol sa mga abusadong motorista. Hindi biro pa naman ang ganyang pangyayari, ika nga ni Annabelle Montiadora. Lalo na sa kasalukuyan na kung saan ay baka masamain ka pa ng ibang tao pag gumawa ka ng mabuti. At lalo na kamo kung ikaw—sa mata ng mga mahilig mang-mata—ay hindi pa kagandahan.
Dahil ganun ang lipunan. Gusto maging suplado, maging masungit. Pero sa kabilang banda, dahil rin ito sa mga kapwa nila na maging mapagsamantala.
Kaya ang mga magagandang balitang gaya nito ay hindi napapansin ng tao nang basta-basta. Gaya nito.
Pero anyare kaya sa mga hinabol nitong si Warren Ramos? Sana pagkatapos siyang naawat nila Jecenth Mateo at ng mga empleyado ng Petron nun ay kinastigo siya ng mga mga tao, no. Pero of course, napakasadista naman ng ganun.
Subalit, patunay lamang yan na pag may karma. Sinasagasaan mo ang isang tagapag-patupad ng batas, hindi lang tao mismo ang hahatol sa 'yo. Pati na rin ang otoridad na hinamon mo.
May sampung libo naman pala ang pamahalaan ng Cainta eh. May lupain rin pala na maaring gawing pabahay! Bakit siya lamang ang nabigyan ng ganitong kabait na ganti?
Kasi siya lang naman ang naging mangahas na gumawa ng kabutihan habang kayo ay nagbubulag-bulagan sa kamaliang nakikita niyo sa kalsada. Habang may nakikita kayong nagpapaka-arogante sa kalsada at may sinasagasaan, kayo naman ay hindi hahabol sa kaniya para pigilan dahil sa takot na baka kayo ay balikan.
At yan ang dahilan kung bakit parang endangered species ang datingan ng mga good sammaritan sa ating mundo.
At kahit sa totoo lang ay hindi lahat ng mga mababait ay nabibiyayaan ng magagarang bagay, hindi ibig sabihin nun ay titigil ka na lamang sa pagiging good guy mo.
Kaya mabuhay ka, Jecenth!
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!