Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

20 March 2016

Tirada Ni SlickMaster: PiliPinas Debates 2016 Part 1

3/20/2016 3:16:51 PM

Ngayong hapon gaganapain ang ikalawang edisyon ng PiliPinas Deabtes 2016, at gaganapain naman ito sa Cebu at mapapanood sa TV5.

Pero bago ang lahat, alin ang mga tumatak sa isaipan mo noong unang sumahimpapawid ang #PiliPinasDeabtes2016 sa GMA-7 na live na live din noon sa Cagayan De Oro? Maliban pa sa mga sandamakmak na commerical at pagiging kabado ni Mike Enriquez (Excuse me po!)?

#PiliPinasDebates2016 First leg. (screengrab from YouTube)
Yung tila palitan ng papuri nila Miriam Defensor-Santiago at Rodrigo Duterte. Wow, sweet. Bagong loveteam itetch?! Mukhang may naamoy akong alyansa ah. 

Ang kanyang pagkastigo sa mga kumekwestiyun sa kanyang kalusugan. Aba, matibay ang lola mo, Kunsabagay, wala namang nagbabawal sa sinumang may karamdaman na tumakbo eh. 

“I am decisive. I am effective leader.” Wow, confident si Jejomar Binay ah. Talaga lang ah. Bakit hindi mapatunayan ito sa korte tutal may mga asuntong ipinupukol sa’yo?

Minana lamang daw nya ang ilan sa mga real estate. Kung hindi man, nabili. Peor hindi nadeklara sa SALN? Labing-isang property yun sa loob ng tatlong dekada. Hmmm, talaga lang ha?

At bakit nga naman taliwas siya sa ideya ng pagwaksi sa political dynasty? So, dalawang bagay lang: either nakikita niya ang tiwala ng tao sa sinuman na magagaling mamuno, o nakikita rin niya ang pagiging gahaman sa kapangyarihan nito.

Si Duterte at ang kanyang pagdepensa sa machismo. Isa sa mga bagay na sa totoo lang, kahit mali sa mata ng moralidad, ay hinahangaan ko. Oo, mali ang mambabae. Tila maling halimbawa ang kanyang ipinapakita sa mga nakababata. Sabagay, patunay lamang na gaya ng ibang pulitiko, hindi siya perpektong nilalang. At least, nagpapakatotoo siya. May bayag para aminin ang mga bagay-bagay.

Ang tahasang pag-kwestiyon ni Mar Roxas sa kwalpikasyon ni Grace Poe. Sabagay, lamang nga naman si Roxas kay Poe; manipis ang kanyang resume, at marami namang butas nang napansin kay Poe dala ng samu’t sariling black ops sa pulitika (bagay na of course, masyadong kumpliakdong usapin dahil madedeceive ka ng “katotohanan” at “kasinungalingan”). At hoy, hindi lang simpleng pagiging “ina” to.

Pero, para solusyunan ang isang problema sa agrikultura ay murang pautang? Kunsabagay, mas lesser nga naman ang presyo, pero hindi kaya napo-prolong lang nito ang agony sa usapang pinansyal? Ang kailangan nila ay programang magbibigay ng “kita” sa kanila, ginhawa mula sa problema. Utang na naman? Parang lalo lang mababaon sila e.

Usapang kriminalidad. Sa Davao may drugs? Sa Makati may drugs? NAku, sinabi mo yan on-air? Patay kang bata ka. Alam kong pabiro yan, pero para mo na ring sinabi nang tahasan ang pagiging kapalpakan para masupil ang droga. Dahil may mga pulitikong nagpo-protekta sa kanila.

Sa totoo lang, kahit ang isang safest city ay hindi perpekto. Pero at least, nagawa ni Duterte na at least kontrolin yan.

Eh sa Makati, na dalawa ang mukha? Pati na rin sa ibang lugar sa Pilipinas? Aba, lakas maka-doble kara ah. 

Ang feeding program twing tanghalian. Mukhang kakaiba rin ang datingan. Siguro mas feasible kasi sa usapin ng klase, kadalasa’y merong pang-umaga at panghapon, kaya yun ang nakikitang viable time. Yun nga lang, akala ko ba ay breakfast ang important meal of the day? 

Usapang Mindanao. Kailangan ba ang isyu ng Bangsamoro basic Law o dapat bang maipatupad ang pamahalaang pederalismo? Kung kaya lang masiantabi ang mga interes sa liuran ng mga salita, siguro naman ay magkakaroon ng kapayapaan sa mga lugar na apektado. Medyo malalimang usapin to no.

So mula sa pagtalakay sa isyu ng Mindanao, kahirapan, at pagpapakilala sa sarili sa pamamagitan ng track record, ano nga ba ang napala natin sa kauna-unahang PilPpinas Debates 2016?

Pwede pala tayong makialam bilang isang bansa eh. Maliban sa mga nakatutok sa TV, naging tredning ang usapan sa social media. At hinighlight din ng GMA kung saang lugar aktibo ang mga user ng Facebook at Twitter. Patunay lamang siguro na maliban sa viewing public sa venue at nationwide TV ay maari pala nating mahipo ang kamalayan ng mga netizens (in general).

At hindi lang pala AlDub ang kayang ipa-trend ng Siyete. Hahaha!

Kaya pala nating ipagkaisa ang nationwide media eh. Ganun sana no? Kung umeere sa isang network, ieere naman ito muli sa iba. Kaya pala nating gawin to eh. Yun nga lang, sana sa susunod ay wala na kaming mabalitaan na may pagiging selective sa sinumang pwedeng magcover nito at sa kung saan lamang sila pwede. Maging patas naman. Tanggalin ang “exclusivity” sa Manila media. 

At isa pa, huwag naman masyadong marami sa commercial. Ang kabuuang debate ay tumagal ng 87 minuto (Isang oras at 27 minuto), pero halos isang oras naman (48 to be exact) ang nalaan sa komersyal. Kahit dalawang oras at labing-limang minuto tumagal ang debate, parang nainip lamang ang ilang mga nakatutok para rito.

Kabado si Mike. Teka, kailangan pa ba anting pansinin ‘to? Siyempre, kasi news personality siya na umeere palagi ng live, hindi lamang sa radyo, kundi sa telebisyon. At halos gabi-gabi pa nga ito ginagawa kung tutuusin.

Baka naman may jetlag o last minute na pangyayari kaya nagmukha siyang hindi ganun kalisto. Pero pagbigyan niyo na. Kayo kaya maghost ng ganyan, no. Tapos matitimbang na mga pangalan pa ang kaharap mo. Siyempre pulitika eh.

Mas nagpatutsadahan lamang naman sila nang personalan eh. Sus ginoo. Anong bago? 

Si Duterte, ayaw mag-rebut. Mukhang playing safe ang bet? Tingin ko, hindi naman siguro sa lahat ng oras. Masyado lamang siyang realist sumagot.

Si Binay, masyadong pabida. Really? Decisive? Effective talaga? Bakit hindi mo magawa sa Makati ang mga nagaawa ng Davao? To think na mas progresibo nga ang Makati, kung tutuusin. Mas maliit pa nga kaya madali pang pamunuan yun kesa naman sa pinakamalaking lungsod ng Pilipinas?

And si Miriam naman, kahit palaban, mukhang nahihirapan. Signs of sickness yata.

Kaya siguro parang hangin lang din tuloy ang mga nalista kong obserbasyon sa post na ito. Pambihira.


REFERENCES:

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!