Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 April 2016

Adik Lang?!

4/3/2016 8:40:08 PM

Isa ito sa mga tumatak na soudbyte noong unang PiliPinas Presidentiable Debates 2016.

Get Real Philippines

Oo, saan pala makakabili ng droga ha?

Kunsabagay, ang pulitika ay isang malaking laro kung saan hindi dapat tine-take ng literal ang mga bagay-bagay; para bang mga dating wika nila Miriam Defensor-Santiago, mga maanghang na salita ni Rodrigo Duterte, at ultimo ang mga insensitve remarks ng mga gabinete ni Pangulong Aquino.

Ang problema nga lang: hindi kasi lahat may ganung kalse ng pagkaaintindi. Maaring biro ito sa ilan, pero hindi naman yata rin kasi gawing tama ang i-expose ang mga patutsada sa patawang pamamraan.

Alam mo kung saan nakakabili ng droga? Aba, matindi ka. Ngunit sa malalimang konteksto, bakit nga ba hindi masawatan ang isyu ng droga sa Pinas? Sa isang bansa na ang namamayani ay ang mga negosyante (na ang pamahalaan kung tawagi ay oligarkiya), ang droga ay isang business; gaya ng ibag klase ng krimen, pulitika, at ultimo ang pagmamanipula ng mga programa sa mainstream media.

So maari bang kasalanan din niya ang pagbitaw nyan? Oo naman. Maarin may nalalaman ka kasi ang datingan nyan. Parang “Alam mo pala kung saan nakakabili eh. Bakit hindi mo pinigilan ang drugs?”

Di ba? Kung seryoso ka sa krusada laban sa droga, bakit hindi mo ginawan ng aksyon? Nagmukha ka tuloy isang pretentious na leader-wannabe. Tapos sisihan na naman yan, na ang mga masasangkot na ahensya ay may kinalaman sa lokal na pamahalaan, otoridad at yung may kinalaman sa bawal na gamot.

Yan tayo eh. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e. Mga adik lang?!

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!