04/21/2016 10:25:23 AM
Ito ang panahon ng eleksyon. Panahon
para makialam ka sa lipunan kahit minsan lamang sa mahabang panahon.
Panahon para magkaroon ka ng paninindigan. Panahon para alamin,
tuklaisin, kilatisin, busisiin ang nararapat na maihalal bilang
representante ng ating lipunan.
At maaring panahon ito ng pagkakaroon
ng hidwaan sa paniniwala o perspektibo pero hindi ibig sabihin nito
na panahon rin ito para awayin mo ang hindi sumasang-ayon sa iyo.
Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.
Ang daming matatalino pero marami ring nagpapanggap na self-righteous
na tanga. Na akala ay sa kanya lang umiikot ang mundo—gayun din ang
dikta ng pamumuno sa bansang Pilipinas. Na akala ay siya lang ang
sinugo ng Diyos para isalba ang bansa mula sa kumunoy ng katiwalin at
oligarkiya. Na akala ay siya lang ang nakakaalam sa susi ng kayamanan
para sa isang masaganang Pilipinas.
As in parang siya lang ang tama. (Baka
may tama, oo.)
Aba'y mas malala pa pala kayo sa mga
pulitiko kung ganun, ano po? Aawayin mo ang katrabaho o kaklase mo?
Makikipagespadahan ka (ng dila sa dila, tutal pareho naman kayong
matatalim ang ganyan) ng iyong kapamilya, kabarkada, kapatid, kapuso,
kapedersasyon, kapareha mo dahil hindi niya iboboto sa Mayo ang
kanidadtong gusto mo?
Aba'y mga gago pala kayo eh.
Maaring nagkakaroon nga ng clash of
ideas and beliefs rito sa kasalukuyan, pero patunay lamang yan kung
anong klase tayong bansa: isang archipelago. Isang malayang
archipelago na obvious naman sa promasyon ng ating mga rehiyon at
isla. May rehiyonal na mentalidad, bagay na since time immemorial ay
nage-exist na sa ating kamalayan (at isa sa mga pangunahing dahilan
kung bakit isang malaking kapalpakan ring maituturing ang mga
himagsikan noon).
Alam ko, kailangan natin ng pagkakaisa.
Hindi makakailang masarap sa pakiramdam ang ganun. Pero sa tingin mo
ba, kailangang magkaroon ng digmaang salita sa puntong ito? Kailangan
ba nating umastang keyboard warrior o gangster para magkaroon ng
isang diskurso sa pamumulitika? Siguro, dahil na rin sa mga
ipinakitang mainitang pagtatalo sa mga eksena ng Heneral Luna, pati
na rin sa ibang pelikula na may halong pulitika ang tema.
Dahil nasa isang malayang lipunan tayo,
malamang, mayroon ring mga choices na nakalatag sa atin. At hindi
naman pare-pareho ang utak ng bawat tao. Pero ang kailangan ng tao ay
ang edukasyon ukol sa pagboto. Voter's education ba. At hindi
maituturing na voter's education ang kastiguhin ang bawat tao na
hindi sumangguni sa choice mo. Hindi counted ang pambubully para
makatulong ka sa kapwa.
Ikaw kaya ang mabully? As in gawin ko
kaya yan sa'yo? Parang sabihan ko kayo ng alinman (o mga magkakatulad) sa mga ito:
“Tangina, bobotante ka
kasi binoto mo si Binay. Magkano binayad niya sa 'yo?”
“Tangina, rapist ka
no? Sinusuportahan mo ang rape culture dahil iboboto mo ang idol mong
si Duterte?”
“Kaya hindi uunlad ang Pilipinas e. Alam mo na
ngang epal at hawak ng mga ganid na elitista tong si Poe/Roxas e
iboboto mo pa yan, tapos pag di mo naramadaman ang pag-unlad
sasabihin mona 'tangina tong presidenteng to oh!?' Ang gao mo naman
yata, tsong.”
“'Yang si Miraim boboto mo? Tangina, di naman
mananalo yan e. Mamatay rin yang baliw na yan! O baka nabaliw ka na
rin sa kanya, no po?”
At kahit gumanti ka man, aminin mo,
masasaktan ka rin, 'di ba?
Ganito kaya: kung gusto mo talagang
ma-persuade ang mga tao, matuto ka kayang magsales talk? Oo, since
binebenta mo naman sa kakilala mo ang pulitkong personal mong
inieendorso? As in sabihin mo kung ano ang magaganda sa kanya? Pero
magpakafair ka rin. Aminin rin ang mga flaws niya pero ipaliwanag
kung bakit ito nangyari, ano ang ginawa niya para maitama ito, at
bakit sa kabila ng lahat, ay siya pa rin ang dapat mailagay niya sa
balota. At dapat gawin ito anng walang halong panunumbat, galit, at
kung ano pa na maaring ikasira ng ugnayan niyo sa isa't isa.
Oo, galangan ba sa paniniwala ng iba.
Who knows, baka dyan ay magkaroon siya ng idea at marealize na
“Tangina tsong, tama ka. Ito dapat iboto ko.”
Mas ayos yun, 'di ba? Yan ay kung
matuto ang bawat isa na magkaroon ng bukas na isipan (ops, hindi to
business, tsong). At papano magkaroon maging open-minded? Matutong
makinig sa sinasabi. Huwag maging one-sided. Ayos makipag-engage sa
isang mainit na usapan as long as willing kang makinig. Dahil dun
lang naman madadaan yun eh.
Ayos lang tumayo sa kung anong
pinaniniwalaan mo. Ayos lang din kung magkaroon kayo ng pagtatalo ng
mga kasmaa mo sa buhay. Pero aminin natin: ayaw nating magkaroon ng
mortal na kaaway dahil sa isang isyu gaya ng pulitika, 'di ba? As in
yung literal na matapos ang pagiging BFF (Best Friends Forever tayo, pare!!!) niyo, matapos lamang ang usapang PiliPinas Debate, FO na (as in Freisndhip Over na tayo, tangina ka!) kayo, and then 'pag nagkita kayo ay parang
gusto mo siyang patayin dahil lamang sa di niyo pagkakaisa sa
paniniwala sa pulitika.
Hoy, umayos nga kayo. Huwag naman ganun, tol.
Kung pinahahalgahan mo ang ugnayan ng
tao gaya ng iyong prinsipyo mo sa buhay, malamang marunong ka naman
siguro umintindi.
Author: slickmaster | (c) 2016
september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!