Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

19 April 2016

Patawa Masyado

04/19/2016 09:57:21 AM

Nakakatawa. Maraming nagpapatayan sa argumento kung isa nga bang patawa ang binitawang salita ng tumatakbong presidenteng Rodrigo Duterte o hindi. Kung makapag-akusa ay wagas, para bang ang lilinis ng mga kupal. Yung iba namang dumedepensa, para namang ang daming alam na tama. Okay sana kung talaga namang straight yung facts na nakukuha—at kung talaga namang sumusporta sa kanya eh.

Ano ang ibig kong sabihin?

Sa mga ganitong klase ng pagkakataon—na pinuputakte ng kontrobersiya o kung anu-anong di magandang pangitain (o malas, ayon sa iilan) ang isang kilalang pigura—ay dito mo malalaman ang mga tunay na iyong tagahanga at kritiko sa mga taong nakikisakay lamang sa bandwagon ng iyong kasikatan. Kung ang kanilang passion sa pagsuporta ay lehitimo o peke lamang.

Oo, parang sa ating ordinaryong buhay lamang. Pag naharap sa pagsubok, sino ang talagang masasandalan mo? Sila bang tunay na tutulong sa 'yo, o siyang tutulugan lamang hanggang sa ika'y tuluyanan nang mahulog sa bingit ng kagipitan?

Ika nga ni Lourd de Veyra noon sa kanyang blog post na pinamagatang Keeping Up With the Pacquiaos, “it takes one and only one loss—just humiliating knockout—for the entire empire to crumble.” At sa totoo lang, hindi lamang kay Pacquiao (na nakatikim ng isang literal na knockout noong 2012) applicable ito; pati na rin sa bawat isa sa atin, lalo na yung nakaaangat, yung mga tinatawag natin na “idol,” as in yung mga magagaling talaga.

Kung tutuusin, ang naturang pagbitaw ng salita ni Duterte, kahit intensyon man na hindi maging biro yun, ay isang malaking blow sa kanyang hype. Isang bagay na nakapagpasira sa momentum niya na para bang riles na naderail sa isang bullet train.

Ang hirap kasi, nagmukha kasng ganun eh noong tumawa na ang mga tao. Siguro dahil nga naman sa sobrang bigat ng usapan ay kailanagan naman gawin itong light (oo, pero hindi ito sponsored ng isang brandy). Kahit straight face pa kamo niya itong binitawan.

Naku, ang iba pa namang komedyante, pag nagpapatawa ay ganun. Hindi rin nakangiti. Kaya siguro yan rin ang nakitang perspektibo ng mga nagbitaw ng negatibong reaksyon sa kanya.

At sa tipikal na lohika ang usapan, para na ring sinabi na pino-promote nya ang rape culture. Bagay na tingin ko, ay hindi naman siguro ang talaga namang pinupunto. Like seryoso, sa tingin mo ba ang isang taong magapaplaganap ng ganun ay tatakbo bilang pangulo sa panahon ng political correctedness, gender equality, at nagsilaganapanang mga femminazi (which, I think, is mas sexist)?

Maaring nagkamali siya ng sinabing salita—bagay na tingin ko ay responsibilidad rin ng mga campaign manager niya, o sadyang namisinterpret lamang ng mga tao. Yan kasi, tawa nang tawa ang mga nanunood eh.

Bagamat, ang isang bagay na kahanga-hanga rito ay ang binitawan niya sa aftermath ng isyu. Nagpakatootoo lamang siya. Ang pinagpaumanhinan niya ay ang nasaktan na publiko. Ang mga tao nga naman na mahalaga sa kanya. Nag-sorry sa outcome ng mga pangyayari.

Sa totoo lamang, siya lamang ata sa hanay ng mga nangangandidato ang may bayag na kayang umamin sa pagkakamali eh. Yung ilang gaya niya, ewan ko na lang. Baka baligtarin pa ang mga pangyayari at ikaw pa ang idiin. Kunsensyahin ka pa ng mag samu't saring sumbat.

At isa pa: inilahad lamang niya sa harap ng lente, mikropono, at mga reporter ang kanyang eksplanasyon sa pangyayari. Ganun naman talaga eh. Masyado na rin kasi tayong mapaghusga na para bang alam na natin ang lahat-lahat. E isang panig lamang naman ang nagets natin.

Para pala tayong mainstream media kung ganun. Bias. Tignan mo na lamang ang sam'u saring atake ng mga headline na tila misleading sa content ng artikulo na naglahad ng iisang kwento: ang mismong reaksyon ni Rody. Iba iba, di ba? Tapos bawat katiting na statement at sinesensationalize pa. Sigurado rin naman ako na pag sa inyong mga manok rin mangyayari 'to (as in similar na balita) ay puputok rin ang buti niyo, 'di ba? Magagalit rin kayao sa mga kumpanyang naglabas o naglathala ng balita, isusumpa niyo na hindi niyo na sila tatangkilikin forever and ever (amen!), pero wag ka—the next time around ay sasabihin nilang I love (insert media outlet here).

What the heck?!

Habang tahasan kong kinokondena ang naturang kilos ni Digong, tingin ko hindi naman niya ito sinadya at hindi naman siguro ganun ang gusto niyang palabasin. Hindi niya intensyon na gawing isang katawa-tawang bagay ang isang masalimuot na pangyayari, lalo na kung siya ang nanguna para iligtas ang mga nabiktima nun sa isang hostage incident sa Davao. Masalimuto man ang naging resulta pero hindi rin man biro ang ganung trabaho. para kang nakipagpatintero kay kamatayan o sumakay ng patok na jeep na humaharurot sa Marcos Highway, Manila East Road, o Ramon Magsaysay Blvd..
I think hindi lamang ito isang isyu ng paniniira sa kandidatura at pagsupil sa tinatawag na rape culture. May mas malalim pa na repleksyon ito, gaya ng kung gaano tayo titingin at tatantiya sa mga bagay-bagay. At kung ano ang pamantayan natin bilang isang lipunan: isang double standard na may halong kahipokrituhan.

Dahil kung lahat ng rape joke ay kinokondena talaga ng lipunang ito—at hindi ang pili lamang—dyan talaga dapat magkakasundo. Pero kung hindi pala, as in kung isa ka sa tumawa sa mga nagpapatawa na may kinalaman sa mga sensitibong bagay gaya ng pangagagahasa ni minsan lang—sabay sasabihin mong kinokondena mo ang wika ni Duterte sa rape joke na yan, aba'y gago pala 'to eh.

Kung tutuusin, patas na nga ang labanan sa pagpakangulo eh. Lahat naman ng mga kandidato, kung may kagalingan ay mayroon rin namang kahinaan—at isa dun ay ang kontrobersiyang pinupukol.

At kung ganun, mas kaya pa sigurong tiyagaan ang mga tao na kung managausap ay parang naninindak lang kesa naman sa mga taong pa-sweet magsalita, pero sa likuran mo ay sinasaksak ka na. Hindi ito usapang diplomasiya. Masyado na tayong pabiktima sa mga gahaman at kahit halata na ang garapalan, nakawan, at katiwalian ay nagbubulag-bulagan pa tayo. Nagpapanggap na nakatali ang kamay kahit hindi naman talaga.

Siguro nga ay isa tayong nasyon ng sandamukal na ironiya. Kaya hindi rin tayo umuunlad eh. Kailangan nga natin ng isang malawakang repormasyon. At magsisimula yan sa sarili natin, sa pagpili sa mga ihahalal natin (kung sinuman yun).

At higit sa lahat, pag siya man ang nanalo, matuto naman tayong sumunod sa batas. Baka naman hanggang poilitical rally lang niya tayo matututo magtapon ng basura sa tamang lugar ha?

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!