4/21/2016 9:13:26 PM
Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng ganito.
Photo credits: Inquirer, Coconuts Manila |
Hanep sa trip e no? Sinakyan na lamang ng Ace Hardware ang isang kalokohan. Tila swerte na rin sa publicity ang taga-branch nito sa SM City Lucena. Bakit nga naman hindi, eh nagtrend kaya sa social media ang naturang event.
Wasak, di ba? Ang dali naman magpauto ng mga Pinoy. Interested. Yan, dyan tayo magagaling eh. Gusto natin makakita ng away, pero pustahan anim sa sampung katao ay hindi naman sasali dyan -- maghamon man o hinahamon.
Kaya kahit tahasang tinanggihan ng pamunuan ng Ace Hardware yan sa pamamagitan ng kanulang mensahe sa Facebook, ayun, sige pa rin ang mga tao sa pagclick ng “interested” o “going.” Mga mahihilig tayo sa sabong eh. Kaya nga di kataka-taka na uso sa ating kamalayan ang mga ganitong bagay:
- Ang isa sa mga paborito nating sugal ay pagsasabong ng mga manok.
- Noong bata ka, pag may nakagalitan kang kaklase mo, isa sa inyo hihirit na lang ng “antayin kita sa labas” sabay may hirit na na mura na mas malutong pa yata kesa sa sinusuportahan mong kandidato.
- Pag may pisikal na nagaganap sa basketball o football -- basta makita mong may nagkakainitan na mga manlalaro mula sa magkabilang koponan -- ayun, wagas tayo makapaghiyaw.
- Pag may nagsisigawan sa kalye -- na alam natin na hindi na sila nagbibiruan -- nakikinood tayo kahit sa totoo lang, maaring mauwi yan sa barilan, saksakan, habulan, hawakan ng tenga, pitikan ng etits, o higit sa lahat, makipag-apiran dahil nagbati na sila. In short, instant na usisero’t usisera na kapag hindi naman natuloy sa away ay mababadtrip kayo at kakantyawan na lang ang dalawang eskandaloso.
- Mahihilig tayo sa mga combat sport gaya ng boxing, mixed martial arts, at professional wrestling,
Sa madaling sabi, parte ng human nature ang pagiging bayolente, maaring sa kilos man, sa salita, o sa pagsulyap na lamang sa mga aastang mas bmababa sa pagiging siblisado kuno.
Yan tayo eh. Ang hihilig natin sa sapakan e. Kahit hoax lang naman ang naturang kaganapan. Kahit kinagat na lamang ng naturang hardware yan para sa enjoyment ng marami.
Sapakan na nga lang.
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!