Isa sa mga usapan sa social media ang tila nakakapanginit nga naman ng ulo. Teka, kailangan mong ipatanggal ang baller ng isa dalawang nars habang nagtatrabaho sila?
Photo credit: coolbuster.net |
O baka naman nauurat ka lang talaga na makita ang mga tao na suot ang anumang parapernalya ng isang presidentiable na hindi mo na nga trip, kalaban pa ng manok mo. Ganun ba?
Ayos sana para sa akin ang pagiging notoryus ng isang Carlos Celdran, ang tour guide na minsan ay mala-aktibista kung mag-rant sa facebook, at kung mamalas-malasin ka pa ay nakikipagdigmaan sa iba't ibang uri ng mga netizen—mga lehitimong opinyonista man o isang troll.
Pero gusto mong ipahubad ang wristband ng dalawang nars dahil sila ay sumusuporta kay Duterte? Tangina, seryoso ka ba?
Alam namin na tagahanga ka ni Mar. At walang kwestiyun dun. Ginagalang nga kita sa pananaw na ganyan (dahil ganun dapoata ng bawat Pinoy sa halip na makipagbangayan na akala mo ay ikaw ang nagpatayo ng bansang Pilipinas; tangina niyo naman oh).
Pero hindi ba nambabasag ka rin ng trip at hindi ka gumagalang sa pananaw ng iba sa ganyan pamamaraan ano?
Teka, ano nga bang punto ng reklamo ng lalakeng ito? Dahil nga ba hindi ethical tignan? Dapat nga bang apolitical ang mga ospital, at wala nga bang dapat na suot na burloloy sa braso't kamay ang mga doktor at nars kundi relo lamang? Para nga naman kasi sa sanitation purposes.
Kung tama man ang nakasaad sa ganitong pamantayan, may punto siya. Oo, patas lang.
Pero dahil sa pamumulitika na rin, ayan, dyan siya mali. Saka halata rin kasi ang agenda eh. Alam naman namin na madalas sa pagkakataon—at madalas rin lalo sa karamihan—once a supporter can also be an opponent's basher, too. Malamang, may pionapanigan ka eh. Kaya pag may hindi ka matipuhan, mababadtrip ka. Hahanap ka ng paraan para lang manalo manok mo by all possible means. Oo, kahit hindi na tama sa mata ng batas yan. Yan ang nagagawa ng elesyon sa Pilipinas.
Iba nga, may suot ng RoRo e. Pero pinapahubad ba? Hindi naman siguro, di ba? Ganun rin kay Poe, o kay Binay, o kay Miriam. In short, galangan na lang ng pananaw, kahit minsan sa utakl natin, parang ang tatanga naman nito. Wala e. Yan ang nagagawa ng demokrasya, just so you know. Kanya-kanya man tayong pangdi-diss, ang bottomline: kanya-kanya rin kasi tayo ng taste.
Kung ang mga pulitiko nga pag nagkaharap—kahit magtalakan pa sila sa harapan ng entablado—ay natututo pa rin maging “sports laang,” tayo pang mga supporter ng kani-kanilang mga kandidato? Oo, kahit sabihin man natin ang ating disgusto, dumarating pa rin dapat tayo sa punto na “Tangina, ito paannaw ko, pero irerepseto ko yung sa'yo gaya ng pagrespeto sa akin.”
Ganun sana, di ba? Hindi yung ipahuhubad mo ang writsband.
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!