4/23/2016 9:16:19 PM
Interaksyon |
Isang buwan rin ang pagitan ng mga ginaganap na presidential debate na inorganisa ng Commission of Elections (COMELEC), ano? Parang kailan lang, nasa Cagayan De Oro sila sa pagsisimula ng debate-seryeng ito. Samantalang parang kailan lang din ay nasa Cebu sila para sa ikalawang leg nito.
Sa darating na Linggo ng hapon, kung pagbabasehan ay ang oras ng aking pagsulat nito, ay gaganapin ang huling PiliPinas presidential debate sa Dagupan, Pangasinan.
Pero bago ang lahat, ano nga bang nangyari sa Unibersidad ng Pilipinas sa Cebu?
Mahigit isa’t kalahating oras nadelay ang debate mismo dala ng pagdala ng notes ni Binay at sa miscommunication sa pagitan ng kampo niya at ng moderatior na si Luchi Crus-Valdes. Well, umamin naman ang batikang media personality sa pagkakamali.
Pero maliban dun, ay tumalakay naman sila sa mga samu’t saring isyu gaya ng pagplano ng pagpapasa sa freedom of information bill, nakabinbing kaso ng korapsyon na kinasasangkutan rin ng kapamilya, tila sa pakikipag-alyansa sa isa sa mga pinakamalalaking kumpanya, usaping kalikasan bilang kasama sa pag-unlad ng isang nasyon, mga proyekto na magkokontrol sa epekto ng climate change, kuryente, katanungan sa pagkakaiba ng pamamahala sa mga nakalipas na, reporma sa buwis, alokasyon ng budget, at iba pa.
Bagamat may mga naibigay naman na sagot ang mga naturang kandidato, ang pag-uusap naman ay nauwi sa mainitang argumentp na dumating sa punto na lumihis na sa usapan at nagkakaroon na ng personalang panginnisulto na sa bawat isa.
Ayos ang debateng ito, sa totoo lang. Hindi lang tayo nakakita ng isang matinding diskusyunan (in general, kundi diro rin nakita ang karamihan sa kahiaan ng mga tao. Ang paggamit sa ilang mga pigura sa pagtatalumpati para ilarawan ang kanyang lamang sa kailaban, at sa parehong pagkakataon, insulto.
Dito lumabas ang tunay na kulay nilang apat. Walang makakaila. Walang duda.
Si Binay, napatunayan na ang hilig magresort sa ad hominem. Sa halip na gamitin ang anturang plataporma para linisian ang pangalan at ligawan pa nang husto ang mga manunood, hindi niya ito ginawa.
Si Duterte ang talagang man of action sa apat na ito. Bagamat ang isa sa mga matimbang na kahinaan niya ay hindi siya pala-deateng tao. Hindi siya palasalita gaya ng mga nakadebate niya. Bagamat para siyang one-time big-time.
Si Poe naman, magaling makipagtalastasan. Nakikipagbakbakan pa nga kay Binay eh. May mag nasagot rin naman sa tanong, pero ang ilan sa mga ito ay tila pahapyaw sa kanyang kwalipikasyon -- hilaw.
Si Roxas naman. Tipikal. May ok, meron ding hindi. Pero yan ay kung salitaan ang titignan. Other than that, ewan.
Hindi na kataka-taka na ang dalawang huling nabanggit ang nagmukhang panalo sa deabteng ito. Malamang, debate eh.
Pero maliban dun, ano naman? Eh nagmukha silang isang Face-to-Face na super duper extended version sa isang medyo pormal na setup. Muntik ko nag sabihing Duelo ang naganap pero dahil sa personalan na ang naging dulo ng ilang tanong, ayan tuloy.
Ibang format na ang gagamitin sa debate sa Pangasinan. Magiging interesado to bagamat sana nga lang ay hindi siya magmukhang reality slapstick a la Jerry Springer.
At utang na loob, sumunod naman kayo sa COMELEC.
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!