Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

16 May 2016

Electoral Aftermath (Back to Reality)

05/14/2016 10:20:51 AM

O, ayan, tapos na ang araw na kinapananabikan natin. Minsan laang mangyari sa tatlo at anim na taon ito, kaya sino ba naman ang hindi makapagpiligil na bumira mula sa kanilang hanging-lamang isip at bugso ng damdamin, 'di ba? 

Tapos na ang araw kung saan bawat isa sa atin (as long as rehistrado tayo para sa proseso na ito) ay pipili ng ihahalal natin sa pamahalaan. Tapos na ang panahon na halos bawat sin sa atin ay may sey sa isyu ng pamumulitika sa bansa. Tapos na rin ang panahon na pumanig tayo sa kung sinu-sino na para bang dating slogan ng PBA. (Sa'n ka? Kampihan na!)

In short, tapos na ang eleksyon.

Ngayon, ano na?! Tapos na rin ba talaga tayo na para bang relasyong romansa espesyal o summer love? Or summer job?

Pustahan tayo, pagkatapos ng elesyon ay talaga namang back to normal na ang marami sa atin. As in babalik lang sa pagiging walang pakialam sa lipunan ulit. As in pagkatapos nila magpakita ng lagiging passsion ay tatahimik sila na parang walang nangyari o hindi sila naging bahagi ng matinding pangangampanya ng publiko, lalo na sa social media.

As in ang mga naging keyboard warrior nun para sa kung kani-kaninong kandidato, tathaimik na lamanag. Magiging troll na lamang sila at maghahanap ng simpleng kapalpakan sa Facebook at gagawin nila itong national item dahil sa pagpapansin sa mga user at mainstream media.

As in aatupagin na lamang ng maraming tao ang panunood ng teleserye, variety show, mga piling romantic stories sa Wattpad, at kung anu-anong kababawan. At pag nagkaroon ng problema sa administrasyon, ito yung mga taong mananatiling wapakels dahil mas busy sila sa pagpuputakte rin sa lovelife ng ibang tao. 

Punyetang mga 'to.

Pustahan: pagkatapos ng eleksyon, 11 sa 10 mong kaibigan ang biglang magsesend ng friend request sa iyong Facebook at mapapataka ka na lang ng “Tangina, friend ko 'to before ah?” Saka mo lang mare-realize na hindi na niya pala ma-take ang iyong pagiging aktibista sa social media to the extent na para bang kala niya'y pinariringgan mo siya dahil sa ayaw mo sa kandidatong bet niya.

Ganun din sa Twitter, bigla na lamang magpa-follow sa'yo dahil sa isip-sip nila ay “Finally, tapos na ang eleksyon. Siguro tatahimik na rin ang mokong/gagang ito!”

Uso ang mag-unfollow sa news feed, ano po? Ganun din ang mute. Alalahanin mo na ang pulitika ay isang maruming laro, pero lahat ng iyan ay parang iyong dating paboritong palabas – sarswela lamang. Parang wrestling din at iba pang mga sport – magpakita man sila ng angas sa pakikipagtrashtalk backstage at social media, pero pustahan tayo na sa isang liblib na lugar na hindi abot ng tulad mong tagahanga ay nagiinuman ang magkaribal na yan.

Kaya the jokes are on you, masyado kasi kayong passionista eh. Parang tuloy kayo natawagan nng referree dahil sa isang violation sa basketball – out of bounds.

Pagkatapos ng eleksyon, ang daming kalat na naglipana sa kalye. Naku, ano namang bago rito? Parang kahit ano namang kaganapan ata ay hindi na mawawala anag ganito eh. Yan ay unless mangastigo ang mga alagad ni Duterte, gaya ng pakakainin sayo ang balat ng kendi na tinapon mo sa kanal. Yan kasi eh. Binoto mo. Kaya ngayon, sumunod ka sa batas at iwas-iwasan na ang pagiging pasaway na bugok!

Tapos na ang eleksyon. So ano na?

Sana naman maging unang hakbang ito para maipakita natin ang dapat nating gawin bilang mamayang Pilipino. Change is coming ba? Dapat lang. Pero magsimula ito dapat sa sarili natin.

Bantayan natin ang mga binoto natin. Maging panatiko tayo dahil sa sinusuportahan natin sila, pero dapat rin na maging kritiko tayo dahil sa mahal natin ang bayan nito – and at the same time, dahil ipinagkatiwala natin ang ating karapatan sa kanya/kanila. (Iba yan sa pangba-bash, mga tsong at tsang.)

Ganun naman dapat eh. Hindi natatapos sa halalan ang pagiging mamayan natin. Habang tayo ay nagpapakasasa sa mga bagay na nagbibigay-aliw sa atin, sana naman ay manatili pa rin tayong may pake sa mga bagay-bagay sa bansa.

Dahil wala siya dyan sa kinauupuan nila kung hindi dahil sa atin.

Pero umayos rin kayo sa social media, at kung umasam ka ng pagbabago, simulan mo ito sa sarili mo. Wag kang manatili sa kumunoy ng pagiging wapakels.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!