Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

20 May 2016

Electoral Aftermath: The Men Who Can't Move On

05/18/2016 09:46:23 PM

Malamang, kung may mga tao na balik na sa pagtangkilik sa kani-kanilang mga kababawan, ay mayroon rin namang mga tao na hindi makamove on sa eleksyon.

Lalo na pag dumating na ang araw ng bilangan mismo. Ops, sa telebisyon pa lang yan ha? Yung mga partial at unofficial pa lang na ginagawang vote count ng PPCRV at COMELEC pa lang ito, sa panahon na hindi pa 100% ang lakas, este, ang nadadalang election return/certificate of canvas. Wala pa to sa panahon na nagbibilangan na ng opisyal sa kongreso.

Eh yung iba nga na kandidato na nauna na mag-concede, natuto talagang tumanggap ng pagkatalo. Bakit yung mga tagahanga nila, hindi?! Yung iba pa nga, umaasta na akala mo ay panahon pa rin ng pangangampanya. Bangayan dito, bangayan doon. Trashtalkan sa Facebook, Twitter, mga forum at ultimo sa neighborhood lang.

Buti pa yung ilang pulitiko, sport e no? Yung mga malalanding fanboy at fangirl nila, umaastang mandirigma o troll, o in short, political fantard. Mga tipong magwewelga pa yan sa kung saan-saan dahil sa bad trip sila sa mga nangyari eh.

Tanginang yan oh. Ginawa niyo na ngang showbiz ang pulitika. Ironically, karamihan rin sa inyo ang tipong nababagot kasi pinagmumukha lang naman kayogn tanga ng mga balita dahil sa tila sawswela na ang takbo nito sa bansa.

Mga gago pala kayo eh. Hindi AlDub, JaDine, KathNiel, o kung sino pang loveteam sa showbiz ang pinaglalaban niyo. Seryosong bagay ang pangangandidato at paghalal, pero tangina matuto naman kayo maging sport. Kung tagahanga nga kayo ng mga pultikong sinusuportahan niyo, sila na nga mismo ang nagpakita ng kilos ng diplomasiya eh, ng pagkagalang.

At kahit buong araw pa silang magbatuhan ng putik, pag nagsiharapan naman ang mga ito sa CR, magkakamayan pa rin at magkakamustahan.

Puta, baka nga mag-iinuman pa ang mga yan eh. Hindi mo nga lang yun malalaman kasi hindi lahat ng kaganapan – kahit pang-nasyonal – ay ibinabalita.

Yan, sisihin mo ang media mong bias. Nagpapaniwala kasi kayo sa kwento na wala naman atang inatupag kundi gawan ng kwento ang mga bagay-bagay at pagsabungin ang mga pangalan.

O, ano, natauhan ka na?

Unless ang mga kandidato niyo mismo ay umiiyak dahil nadaya raw, dyan kayo mag-react. Pero hoy, umayos kayo. Baka sabihin niyo pa na “sana mamatay ka” o “sana ma-rape ka” dahil lamang hindi panig ang tropa mo sa manok mo.

Tanginang yan. Sipain kita dyan eh.

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: Twitter (http://twitter.com/slickmasterph) Instagram (@slickmastertheblogger), Facebook (http://facebook.com/theslickmaster28), Flickr (http://flickr.com/slickmaster), and Tumblr (http://the28shadesofslickmaster.tumblr.com).

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!