05/09/2016 05:49:29 AM
Sa wakas, matapos ang anim na taon, ito na naman ang pambansang holiday na pumapatak ng Lunes kada tatlong taon. Ang araw ng halalan, o elesyon.
Eleksyon na naman. Oh? Eh ano ngayon?!
Panahon na naman para pumunta sa iyong eskwelahan, mameet ang paborito mong teacher na isang poll watcher, pero hindi para mangamusta. Dahil doon an iyong presinto. Yan ay kung nakarehistro ka. At paano mo malalaman? Titingin ka sa listahan na nakalagay sa kung saan-saang bahagi ng paaralan. Ngayon, kung wala? Ayyyy.....
Eleksyon na naman! E ano ngayon? Wala na tayo sa panahon na kung saan ilalagay mo ang pangalan ng kandidato sa balota. Dahil malamang, automatic na tayo e. Ay, automated pala. Sorry. So ibig sabihin nun, iitiman mo ang bilog na hugis itlog. Tek nga, hindi ba dapat, oblong tawag dun? Malamang, hindi naman kasi oblate spheroid yun e.
Eleksyon na naman! Eh ano ngayon? Kanya-kanyang diskarte na yung iba para makahikayat pa rin ng mamboboto. Bibigyan ka pa kamo ng pagkain o pera niyan. Oo, kahit alam naman natin na bawal, pero dahil nasa Pilipinas tayo, sorry na lang. Kaya wala tayong asenso eh.
Eleksyon na naman! E ano ngayon? Dahil maraming tao ang nakapila, asahan mo na rin na may pagtatalo dyan. Hindi naman siguro kumusyon, ano po. As in yung mga taong maiirita o magagalit kung bakit wala sila sa listahan o bakit yung mga namayapa nilang kaanak any andun pa. Hindi kasi maayos ang listahan dyan e.
Eleksyon na naman! E ano ngayon?! Malamang, mamaya niyan, buhay na naman ang gabi. Lalo na pag lumipas na ang alas-5 ng hapon, ang oras ng pagtatapos ng eleksyon. Ganun talaga no? Ang lupit ng hype, tapos onse oras lamang ang eleksyon mismo?! Inang yan oh.
Eleksyon na naman! E ano ngayon?! Malawakang media covergae na naman ito muka madaling-araw hanggang umaga kinabukasan, At dapat lang naman ano, hindi yung nakakakurat na mga programa na gumagatong na nga sa isyu ng lipunan, at lalong hindi yung mga basurang pang-eskapo ng erealidad. Kung hahanap ka rin lang naman ng magandang alternatibo pang-iwas sa eleksyon, dun ka na sa mga bagay-bagay na makakapagpa-realize kung gaano ka kagasta manood ngTV, at hindi sa mga obvious rehash o mga Hollywood at reality show. As if may laman din ang mga yun, ano.
Eleksyon na naman! E ano ngayon?! Sa panahon ng self-entitlement saka selfie, yan ang magiging problema natin, dahil bawal ang magpiktyur-piktyur kasama ang iyong balota. Dahil baka prone to vote buying pa yan., at isang electoral offense yun na maaring magbaon sayo sa kulungan ng mahigit anim na taon. Buti na lang, wala pang mga millennial na pwedeng magpasaway gaya ng mga nagtatanga-tangahang 90s baby dito.
Eleksyon na naman! Eh ano ngayon? Siguraduhin mo nga lang na hindi masasayang ang araw na ito para sa ito. Dahil kung may kaibigan ka sa pulitika, baka may taktika pa yan, lalo na kung ikaw ay salungat sa kagustuhan niya. Ayon sa isang political strategist, sa isang pagsasalu-salo minsan, nagbigay siya ng pagkaing nakapagpatae sa kanyang mga tropang hindi pabor sa manok nya (manood kasi kayo ng balita't hindi puro mga teleserye lang alam niyo).
Dahil minsan lang mangyari sa 3-6 years ang eleksyon. Oo, kahit hindi manalo ang iyong manok, at least nagawa mo ang parte mo. Huwag kang gumaya sa iba na sa sobrang pagkabagot ay hindi na sila boboto. Hoy, kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.
Eleksyon na naman! E ano ngayon?
Hoy, tangina, bumoto kayo!
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!