Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 May 2016

Maulan Kagad?!

05/18/2016 09:24:18 PM

Hindi mo na masisisi ang mga tao. Hindi na kataka-taka kung bakit na lang sila mapapraning kagad eh. At paano ba naman eh, nagbabago na ang klima, umi-extreme na nga e.

Kaya ganun na lamang ang pagkabahala nila kung matapos ang isa o dalawang oras ng pag-ulan – kahit hindi naman malakas yun – ay bigla na lamang masasabi nila na “Ay, shet, tag-ulan na!”

Ikaw ba naman makaranas ng delubyo – kahit minsan lamang – sa nakalipas na halos isang dekada e. Oo, kahit iilang oras nga lang ng pag-ulan e, 'pag malakas naman, ayan, bumabaha na sa mga pangunahing kalye.

Wala kang madaanan pauwi, tapos samahan pa ng traffic mula sa kasagsagan mismo hanggang ilang oras pagkatapos nito. Bakit ganun? Malamang, hindi ka naman pwede magpaharurot ng iyong sasakyan dahil lalo lang lalala ang sitwasyon; masisisiraan ka nga ng sasakyan, maaksidente ka, at maari ka pang makapandamay sa ganun. Mas malala, baka makapatay ka pa kamo kahit hindi mo sinasadya.

Grabe ang epekto ng tag-ulan no? Bagamat sa totoo lang, kailangan natin yan sa mga ganitong araw, matapos ang grabehang init na halos ikasakit na natin.

Isipin mo naman pag sa gaya ng buwan ng Marso o Abril, na kahit alas-6 pa lang ng umaga ay umiinit na ang paligid; yung tipong pagkagising mo akala mo ay nananaginip ka na nasa sauna ka. Yun pala, tagatak ka na talaga ng pawis. Tapos di pa sasapit ang kalagitnaan ng umaga ay nakapapaso na ang sinag. Para kang piniprito sa sarili mong mantika, este, pawis.

At kadalasan naman talaga, pag halos patapos na ang buwan ng Mayo hanngang sa simulang bahagi ng Hunyo ay nagpapalit na ng klima. Ang temperatura, unti-unting nababago, at ang mga kabuuang panahon ay mahahalata sa pagkukulimlim ng mga ulap at hangin.

Pero di kaya talagang praning talaga tayo sa puntong ito? Ayon sa PAGASA, dapat raw ay umuulan talaga sa loob ng limang magkakasunod na araw—as in makakapagbuhos talaga ng mahigit 25mm na dami ng ulan sa at least lima sa walong weather stations ng PAGASA, bago tuluyang ideklara ng naturang ahensya na tag-ulan na nga talaga.

Ibig sabihin, halos isang linggo munang obserbasyon bago sabihin na “ay, tangina, tag-ulan na nga talaga!”

Maliban riyan ay dapat  mapapansin rin ng mga weather observer ang pagbabago sa ihip ng hangin, mula easterlies ay magiging southwest monsoon o hanging habagat.

Pero kahit ganun, okay na yung maging handa. Magbaon na rin ng kapote saka extra na tsinelas – lalo na kung bahain ang lugar na daraaanan mo, at kung medyo sirain na ang iyong sapatos. Yun nga lang, huwag masyadong praning. Baka mangyari yan at mas lumala pa. Sige ka.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!