06 May 2016

Negative Kuno?!

05/06/2016 10:17:19 AM

Wow. Talk about false negative advertisement. Sa malaliman at malapulitikang konteksto, parang stating the obvious na eh: black propaganda ito.

Ano ang tinutukoy ko? Yung advertisement nun na umeere sa tatlong media network kagabi na may kinalaman sa bata na pinupuntirya ang mga kilos ni Rodrigo Duterte.

Oo nga naman, kasi. Ika nga ng isang Nestle ad noong deakda '90, “Sa mata ng bata, ang maling halimbawa ay nagiging tama.” I-deny man natin o hindi, ang mga kilos ng nakatatanda (gaya natin; tampalin kita dyan kung magpi-feeling young ka) ay maaring gayahin ng mga nakababatang henerasyon.

Para bang sabihin na dapat ang isang personalidad—showbiz man, sports o pulitika, ikaw dapat ay isang huwaran sa iyong kababayan. Role model ba. Yun nga lang, sa panahon na nagiging imoral na ang mga bagay-bagay, panahon naman ata para mapuksa ito. Teka, humahantong ata sa usaping moralidad to ah.

Maaring hindi siya disenteng nilalang sa labas ng political arena, pero sa isang banda, ang argumento: moralista ba ang kailangan ng bansang ito?

Pero tama ba naman ang tila pag-exploit ng mga bata rito? Ang paggamit ng mga mga bata para umakting sa commercial na gagamitin para mag-disuade sa mga tao? Na as in direktang huwag iboto si Rodrigo Duterte?

At some point, hindi kaya parang paninirang-puri na maituturing ito? Kahit naman kasi aminin ni Digong ang mga kilos niya ay hindi becoming ng isang presidente, eh still na para rin itong paninira kahit hindi sabihin man hindi deretsahan ito?

Actually, mukha ngang garapalan na eh.

Kaya nakastigo ng mga tao ang ABS-CBN dahil rito. Mukhang ultimo ang mga batikang sila Karen Davila at Ira Panganiban, hindi nagustuhan ito.

Ayon naman kay Kat De Castro, wala kasing mandato mula sa pamahalaan na maaring magsahimpapawid ng mga negative advertisement. May punto, similar sa mga parody ng mga gag show ukol sa pulitika; bagamat ang kasong ito ay obvious naman na in bad taste na.

Kahit sabihin pa na may punto ang mga bata sa pagtatanong, it could have done better kung hindi tahasan ang pag-atake. O siguro naman kasi ang sasabihin ng tao rito ay “pucha, name drop na yan!”

Yan tayo eh. Ang hihilig natin gumawa ng away.

At bagamat yan ang pahayag ng dating broadcaster, mukhang may kontrapelo dyan ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas mismo.

Ayon naman sa artikulo 8, seksyon 2 ng KBP Broadcasting Code 2011, alinsunod sa Republic Act 9006 o ang tinaguriang Fair Election Act, hindi para maisahimpapawid ang alinmang programa o patalastas na papabor sa isang kanidato o sa isang partido pulitika.

Ok no, pero maaaring may palusot sila dyan, dahil sasabihin nila na may respobsilidad sila na ipaalam sa publiko.

Article 8 Section 2 of the KBP Broadcast Code of 2011.

At ayon naman sa seksyon 6, alinmang mga palatuntunan at komersyal na may kinalaman sa eleksyon ay dapat maging alinsunod sa mga probisyon ng broadcast code na ito at ng lahat ng election laws.

So malamang dapat rin kikilos ang gobeyrno ukol rito. Ganun ba? At bakit hindi?

Ah, kasi eleksyon nga naman, 'no po? At may pinapanigan ang adminsitrasyong ito, ganun ba?

At hindi lang ba sa ABS-CBN ito umere? Pati rin sa GMA-7 at TV5? So kung tama man ang naturang paratang, para kastiguhin ang ABS-CBN na isang bias station for the nth time ay hindi na rin tama. Eh sumunod ang dalawang network eh. Fairplay lang ang labasan.

Update: Bagamat pinabulaan na ng pamunuan ng TV5 ang naturang spekulasyon.

Pero alam na rin natin kung kanino pabor ang management ng Dos e no? Kaya hindi na rin kataka-taka either way.

Pero ang matinding backlash dito ay sa nagpapondo ng naturang ad, si Antonio Trillanes, isang senador at tumatakbong bise-presidente. Kung sinasabing ang pondo raw para sa kampanyang ito kontra Digong ay mahigit 20 milyong piso... aba, 20 million para sa isang 30-second na ad, tapos mukhang 10 segundo laang ang pag-acting ng mga bata.

Parang ginastusan ng milyun-milyong piso tuloy ang taktika ng pang-eespiya ng mga videographer sa mga campaign rally ni Duterte at nire-record ang alinmang salitang mabibitawan mula rito. Investment to conspiracy attack ba.

O maari ring gumastos sila ng mulyun-milyong piso para lang i-research ang mga naturang clip sa internet. At gagastos talaga ng malaki dahil sa sobrang bagal ng internet sa Pilipinas, aabutin ka ng siyam-siyam sa pagda-download nito. Hindi pa kasama dyana ng page-edit, pagpipinis, pagshu-shoot, TF ng mga bata, pagduplicate ng mga tpa para i-distribute at kung anu-ano pang related rito.

Dahil magastos ang production.

Ang tanong: saan nya nakukuha ang pagpondo riot? Sa sahod nya bilang senador? Sa mga oligarch ba na nagba-back sa kanyang kandidatura? O dili naman kaya may kauganyan ito sa naunang paratang ni Trillanes kay Duterte ukol sa diumano'y ill-gotten wealth niya.

Sa kasaysayan, ang ilan mga political ad na rin ang tila maituturing na kaso ng double standard. So kung ang pagagamit ng bata sa Anti-Duterte ad ay stating the obvious, what more pa ang ad ng ACS ukol sa apat na bata na pinuntirya ang kahinaan ng apat sa limang kandidato sa pagkapangulo ngayong taon. (At sino ang isang yun, panoorin niyo at kayo na bahalang humusga).
Papalapit na nang papalait ang eleksyon. Kaya hindi na rin ako magtataka kung sa susunod na mga oras ay kaliwa't kanan na ang batuhan ng tae nitong mga ito. Hindi lang kay Duterte, pati na rin sa ibang mga kampo, presidente man ang tumatakbo o city councilor.

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.