Ang daming nagpapatayan sa mga kandidato nila sa pagkapangulo.
Teka, baka gusto niyo na rin naman isali sa inyong diskurso/duelo/word wrestling match/espadahan/basketbulahan/slaughter/spoken trash talk game ang mga diskurso sa ibang posisyon na tampok rin naman sa ating paboritong super bowl ng Philippine politics na kung tawagin ay 2016 general elections, ano po?
Hindi yung puro kayo Mar, Duterte, Binay, Poe, at Santiago ang laman ng mga bunganga niyo. Yan kasi, napapaghalataang nakikisakay kayo sa pulitka mga bwakanangina nyo eh.
Huwag na nating pagtalunan ang mga profile nila. Pero sa bise presidente, siyempre, siya ang dapat hahalili sa pangulo kung sakali mang nasa abroad siya para magstate visit. Sa kanya rin iaatas ang ilang ahensya na sa ilalim ng gabinete ng ehekutibo.

Ang Senador, siyempre miyembro ng Senado, ang upper house ng mga representante, o ang mga lehislatura. Ang hilig nilang gawin dapat ay gumawa ng mga panukalang batas, maliban pa sa pag-iimbesitga mga kung anek-anek na mga bagay na sa totoo lang ay hindi na dapat nilang saklaw (kaya nga may hukuman tayo, 'di ba?).
Maliban na lamang kung sangkot sila sa mga anomalya.
Labing-dalawa ang iboboto mo dyan.
Ang kongresista? Halos ganun din, mas tutukan nga lang, maliban sa kung anu-anong kumite, ay yung mga lugar na kanilang kinakatawanan.
Pero wag ismulin ang lehislatura, may mga hawak silang kapangyarihan na maaring may kinalaman sa budget ng bansa, at kung anu-ano pang mga bagay. Masyadong mahaba ang listahan kaya i-Google niyo na lang. (Oo, matutuo naman kayong gumamit ng Internet maliban sa Internet, jusmiyo!)
Alkalde. Local executive yan. Pang-munisipalidad o lungsod. Ang gobernador naman, pang-lalawigan/probinsya. Sila ang namumuno sa mga naturang mga lugar.
May konsehal pa. Siyempre, kabuuan ng city council. Pati rin vice mayor, na siyempre, kasama ng mayor. Ganun din ang vice governor.
Suhestiyon lang ha? Baka gusto niyo na airng pag-isipan ang mga ganitong bagay, na hindi mo namamalayan.
Nang at least may kapaki-pakinabang naman yang pultikang pinag-uusapan niyo.
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!