05/23/2016 05:22:44 PM
Limang salita: Shut Up Na Lang Kayo. O may iba pang alternatibo: Shut Up Ka Na Lang. Mas matindi ang patama.
Isa sa mga pinakamatunog na soundbyte noong nakaraang eleksyon. Paano nga naman hindi ito magiging sikat, kung ang nagsalita naman nito ay isa sa mga pinagititiliang mga artista (well, pinagtitilian ng mga malalanding fangirl at mga isip-batang mga basta-basta nahuhumaling sa showbiz) na si Daniel Padilla.
Limang salita: Shut Up Na Lang Kayo. O may iba pang alternatibo: Shut Up Ka Na Lang. Mas matindi ang patama.
Isa sa mga pinakamatunog na soundbyte noong nakaraang eleksyon. Paano nga naman hindi ito magiging sikat, kung ang nagsalita naman nito ay isa sa mga pinagititiliang mga artista (well, pinagtitilian ng mga malalanding fangirl at mga isip-batang mga basta-basta nahuhumaling sa showbiz) na si Daniel Padilla.
Aniya, kung hindi ka naman botante pero ang hilig-hilig mong makialam sa mga kaganapan sa botante, shut up na lang daw kayo.
Okay sana, may pinupunto. Kaso hindi naman kasi porket hindi ka botante ay wala ka na sey sa mga pangyayari eh. Siguro mas magiging applicable lamang ito sa mga taong wala lang talagang ginawang matino bilang mamamayan ng Pilipinas. As in yung mga taong magrereklamo nang magrereklamo pero sinadya namang hindi magparehistro, o mga nagsasabi na hindi ako boboto ngayong eleksyon.
Yan, shut up talaga kayo.
Yun ang mali sa mga sinabi ni DJ. Ang pagpuntirya kung kani-kanino papatamaan ang salitang shut up. Hindi nga sila botante pero amy pake sila—as in nagbabayad ng buwis, nagtatrabaho ng marangal sa pamahalaan, sumusunod talaga sa batas-trapiko.
At yan ang problema kapag masyado kang nagsasalita nang hindi malinaw ang pinupintirya. Masaydong madaling sabihin ang mga “hindi ka naman botante” ang tanong: alin sa mga ito? Kasi maraming dahilan kung bakit hindi rin sila nakapag-exercise ng kanilang right of suffrage.
Yan din ang hirap sa lipunan na marami kang opinyon. Kailangan yata mag-isip muna bago kasi magsalita eh.
And frankly, naa-apply rin naman ito sa ibang mga bagay.
Nagrereklamo ka sa mga pangyayari pero wala ka namang ginagawa o iniisip para iresolba? Shut up ka na lang kasi wala kang silbi bilang isang mamamayan ng Pilipinas.
Nagra-rant ka sa Facebook kung bakit hindi ka crush ng crush mo? Eh yung iba nga may crush sa'yo, hindi mo naman pinapansin eh. So shut up ka na lang, kasi quits lang ang buhay.
Ang hilig mong mag-criticize ng ibang tao pero hindi mo makorek ang “you're at your” at “yung nang at ng” mo? Shut up ka na lang, boy. Kung magpapaka-critic ka, siguraduhin mo na una, perpektong nilalang ka; at pangalawa, at least naiintindihan mo ang ugat ng kahinaan nila.
Ang hilig mong bumira ng “OPM is dead,” pero hindi ka naman nakikinig ng local hits sa radyo at hindi ka rin naman dumadayo ng gig? Tang-ama naman, shut up ka na lang. Walang karapatan ang mga gaya mo na magsalita kung hindi ka naman sumusuporta sa kanila in the first place. At lalo na kung kalabit penge kang tao, o sa malalang terminolohiya—“palibre.”
Husga ka nang husga pero mali naman pala ang iyong hinusgahan? Shut up ka na lang next time kasi ang tawag dyan, katangahan. Yan kasi, feeling Diyos. Feeling perfect, mukha namang... (easy tol!!!!)
Iilan lang siguro yan sa mga bagay-bagay na mas nirerequire na mag-isip muna bago ibalandra ang mga mababahong salita mula sa ating mga bunganga. Parang Think Before You Click lang yan ng GMA News eh.
Oo, shut up ka na lang muna.
Ay, mali, shut the fuck up dapat. Abusado ka na eh.
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions
Follow SlickMaster on: Twitter (http://twitter.com/slickmasterph) Instagram (@slickmastertheblogger), Facebook (http://facebook.com/theslickmaster28), Flickr (http://flickr.com/slickmaster), and Tumblr (http://the28shadesofslickmaster.tumblr.com).
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!