Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 May 2016

Undecided, Open-Minded, or Misled?

05/03/2016 10:00:35 PM

Ang lawak ng kapangyarihan ng media. Anuman ang ilalahad nila ay nakapaghuhubog hindi lamang ng isang nasyon, kundi ang kuro-kuro ng bawat tao.

Kaya sa totoo lang, maraming naniniwala rito at iilan lamang ang nangingilatis. At hindi ito usaping bias ha?

Ito kasi yan. Ang punto ay naghahanap siya ng mga idea mula sa ibang panig. Gustong marinig sa ibang kampo. Alam naman natin lahat na isa siyang solidong suporter ni Duterte, pero bakit namisquote pa ata si Chito Miranda bilang undecided?


Lakas maka-misleading ng media ngayon no? Ang balita, it appears na undecided raw siya. Tignan ang mga headline na ito galing sa Interaksyon at KickerDaily.

Talaga? Kung kailan halos patapos na ang pangangampanya, saka pa siya naging undecieded? Lakas makataktika no? Kaya hindi kataka-taka na naputakte siya ng mga tao ngayon, partikular na ng mga tagahanga niya.

Samantalang pag binasa ang post ang sabi lang niya ay gusto lamang nya marinig ang plataporma at kwalipikasyon ng iba pang nangangandidato sa pagkapangulo. At pag-aaralan. Undecided ba kagad ang ganun?

Wow, what a twisted logic. Hindi ba maaring bukas lamang ang isipan niya sa ganung bagay? Kailangan ba pag once na may napili na, dapat sarado na ang tenga nila sa ibang posibleng marinig na para bang kung tawagin ay sarado katoliko?

Ang hirap kasi sa ngayon, sa adbyento ng mga blog at social networking ay kahit sino may kakayahang maghatid ng balitanang hindi mo kailangang ipahalata ang salitang kredibilidad. Kaya ang ilan rin sa mga manuulat, parang hindi alam kung paano maging obhektibo sa paglalahad. At kung alam man, siyempre, hindi gagawin. Marketing strategy. Siyempre, trabaho eh. Kailangang kumita by all means.

Kaya minsan, napapailing na lang ako sa mga news blog mismo eh. Sumusunod na rin sila sa mga mainstream news portal. Minsan mas malala pa. And yet sila pa ang gagawing main sourde ng mga balita samantalang inaggregate lamanag din nila yan sa kung saan-saan, mula sa mga artikulo ng dyaryo hanggang sa katiting Facebook o Twitter post.

Ayos.

Gets ko na patanong yung pangalaw sa pamagat pa lamang, May sablay sa laman pag binasa mo eh (yan ay kung hindi ka tamad magopen ng mga artikulo sa internet).

Pero sana naman get your words straight aside sa facts. Tangina naman oh, kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. Gagawa ng kwento pero ibabaliktad ang lohika.

Tangina naman oh.

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!