05/03/2016 09:49:32 AM
PhilNews |
O ano, matapos ang harapan sa BPI Julia Vargas branch sa Ortigas, Pasig City; matapos ang asaran, hamunan, suntukan, face-off, face to face, sampalan ng passbook at hawakan ng tenga... anyare?
May napala ba tayo? May bago na kayang development sa kuwentong ito? May bago nang ibabalita ang media? May bago nga ba tayong malalaman?
OO. Pero ang tanong, nagkaroon ba talaga ng saysay ang araw na 'to para sa pakikibaka sa eleksyon?
Tangina, hindi. Wala namang nangyari matino eh. Isa sa kanila, hindi sumipot. Abugado lang ang humarap sa mga opisyal ng bangko at binigyan siya ng kapangyarihan para magatas ng otoridad dahil nga sa tinatawag na special power of attorney. Buti pa siya, pwde maging superhero no?
Hindi naman nabuksan ang naturang bank account ni Rodrigo Duterte, ang pinuputaktehan di lang ni Sen. Trillanes, pati na rin ng naakararami.
Wala rin namang waiver. Kasi hindi nga summipot. At kahit may special power of attorney pa yan, hindi kaya mas okay pa rin kung andun yung kasagupaan mismo? Hindi ganun ka-convincing ang paghaharapan nito. Besides, hindi otorisado ni Duterte si Atty. Salvador Panelo na gawin ito.
At ang alegasyon naman, hearsay lang pala. Napakinggan sa isang De Mesa na narinig lang din sa ibang soruces. Double hearsay ba. He said, she said. Sa madaling sabi, tsismis. Imbento. Kuwentong barbero. Magkano kaya pagupit sa mokong na 'to?
At sa totoo lang, labag sa bank secrecy act nga tong pagsapubliko ng mga deposit slip eh. Nasira pa tuloy ang reputasyon ng BPI na pumoprotekta sa milyon-milyon nilang mga bangkero. Nyek. Paano yan?
Buti na lang ata mabait ang BPI at tila dumidistansiya sila sa bangayang Duterte-Trillanes.
Ilan sa kanila, nakipagbangayan lamang sa pinto. At yan ang napapala ng mga taong ginagawang showbiz ang pulitika, at hindi ko tinutukoy rito yung paglipana ng mga artista sa upuan sa kongreo, senado at sa lokal at pambansang pamahalaan. Lundi ang mga tao, sa sobrang diehard supporter ng ilang kandidato, mas nakikipagbangasan pa sila ng mukha kesa sa mga manok nila na diplomatiko makipagtalo kahit mainit na ang usapan.
Tapos dumami pa ata sila. So talk about numbers game na para bang 11-on-3 handicap match nun sa SmackDown. Kaso sayang, hindi nagkasapakan ang mga siraulo't malalanding fantard ng kabilang kampo no? Yan kasi gusto ng media eh. Yan rin ang gusto ng marami sa atin. Pag bangayan, parang “Tangina, puro lamang kayo salita eh. Tumatalsik nga laway niyo pero bahag naman buntot niyo!”
Pero pagkatapos ng lahat, may napalo ba tayo ha? Anong nangyari? Anong nangyari?? Anong nangyareeee???? Oo, parang si Basilyo lang kung matganong, at maaring unli't nakakainis. Pero okay lang yan kasi ganyan kayo kainis.
Wala rin naman e. Hindi nga nakasipot ang isa. Hindi rin naman nakapirma ng waiver. Tapos ang basehan ng affidavit, tila tsismis lang at walang kongkretong ebidensya na magpapatunay sa naturang akusasyon. Kanya-kanyang butas, kanya-kanyang lusot. Talo na naman tayo.
Nakipagbangayan ka pa ba sa mga suporter sa harap ng gusali na para bang iskwater? Na para bang myembro ng AlDub fan nation laban sa JaDine? (Halimbawa lang naman.)
Talo na naman tayo.
Halos wala pa yatang naganap na transaksyon. Ang daming naperwisyo, napunta na lamang sa ibang branch ng BPI sa Ortigas o sa ibang bangko malapit rito. Yung mga may mahahalagang usapan sana, napurnada rin. Tangina naman, talo na naman tayong mga ordinaryong tao. Lakas makaspecial treatment ng dalawang kampong ito, pati na rin ng emdia, at ng sangkot na bangko. Mas pinahalagahan pa ang isyung ito kesa sa maraming concern ng bawat tao na nagdedeposit/withdraw/money transfer/application ng account/at kung anu-ano pa.
Tangina naman oh.
REFERENCES:
Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!