Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

26 June 2016

Bigwas Pa?!

06/26/2016 01:05:34 PM

Draw ang resulta sa isang maingay na bigwasan na naganap kagai sa Valkyrie. 

Oo, draw ayon sa mga hurado. Unanimous draw nga eh, 19-all ang iskor sa labanang Baron Geisler at Kiko Matos. Kaya humihirit na lamang ang mga 'to ng isang beses pa na maglaban sila sa URCC cage.

At alam ko na nakadidismaya sa mata ng mga tagahanga ang resulta, lalo na kung napanood pa ang laban mismo at makita na ang obvious na resulta.

Pero.. draw ang resulta?! Sa totoo lang, ano namang bago rito kung tutuusin? Inaasahan mo ba talaga na may isa sa kanila ang makapagpapatumba talaga sa bigwasang ito?

Malamang. Pero alam mo rin ba na hindi lang nauuwi sa technical knock out o split o unanimous decision ang mga laban sa mixed martial arts? Yun naman pala e. 

Ang pangit nga lang talaga kasi ng resulta kung draw ang laban. Either pareho lang talaga silang malalakas talaga at matatag sa isang sagupaan, o hindi lang talaga masa-satisfy ang mga manunood nito.

Eh kayo ba naman ang bigyan ng laban na dalawang round lamang eh. Pero kung tutuusin, tama na rin yun. Hindi naman sila mga trained athletes para makatagal gaano ng ganun. 

Isa pa: medyo kulang nga ang preparasyon para sa ganyan eh. Halos dalawang buwan para sa isang MMA fight. Hoy, hindi kaya biro yun.

Kayo naman kasi eh. Panay cheer at boo lang yata ginagawa. Bigwasan nga sila di ba? Kaya dapat chinant niyo na lang sila ng “BIGWAS PA!” Ayan tuloy ang resulta, na mas nagmukha pang scripted na laban sa isang pelikula o palabas sa professional wrestling. “ISA PA,” ika niyo nga

Pero anong magagawa mo? Ikaw ba yung nakipagbangasan ng mukha?

At pustahan tayo: Kaya niyo lang tinutukan ang URCC ay dahil sa naganap kila Kiko at Baron. Duda nga ko eh, kung hindi nila ito sinettle sa octagon, malamang ay hindi kayo sasakay sa bandwagon ng mga MMA fans. 

At siyempre, hindi mawawalan ang pustahan, gaya sa mga malalaking laro sa mundo ng palakasan gaya ng basketball at boksing. Kaya lang naman ganyan din reaksyon ng ilang mga tao ay dahil may tinaya silang pera dyan eh.

Nasayang ba oras at salapi niyo sa kakatutok sa isang laban na nagresulta ng isang mala-scripted na pagtatapos? Yan kasi kayo eh, mga patola. Mga mahihilig makakkita ng away sa telebisyon. Pustahan tayo, ayaw niyo rin naman malagay sa sitwasyon nila Kiko at Baron. Dahil sila, kahit hindi becoming sa mga ginagampanan nila, may bayag sila na makipag-bigwasan talaga. Oo, kahit hindi sila atleta.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!