06/17/2016 05:54:58 PM
Sa mga nakalipas na taon, ito na lamanag ang isa sa mga nakakairitang diskusyon sa mundo ng social media. Ito kasi napapala kapag mahihilig na lang tayo tumanaw sa nakaraan at hindi ma-appreciate ang kasalukuyang mga bagay eh.
OPM is dead, ika nga raw. At ang sinuman na nagrant nito, hinamon pa diuamano ang mga hindi sumasang-ayon na kasuhan siya.
Talaga lang ah? OPM is dead?
Baka hindi lang kamo malawak ang kaalaman mo sa mga nangyayari sa mga bagay ngayon. Yan kasi napapala pag nasa mainstream lang ang mga nakukuha mo eh. Uso mag-research sa Internet, pre, tutal ginagamit mo rin lang naman yan.
Ang irony lang eh no? Madalas pa sa mga tao na nagsasabi ng mga katagang “OPM is dead” ay hindi naman dumadayo sa mga gaya ng Reverbation, Soundcloud at ultimo ang YouTube at mga social networking ewebsit gaya ng Facebook, Twitter at Instagram. The thing is: music is virtually everywhere, kaya hindi na yan excuse para sa pagpapanggap mo na maging mangmang.
May gana kang magsabi na “OPM is dead” samantalang hindi ka nga dumarayo sa mga gig sa Makati at Kyusi? Gago yata to eh.
Mahal daw kasi. Madalas ay nasa 100-500 pesos ang isang gabi ng tugtugan, at madalas rin dyan ay may kasama pang alak. Pucha, package deal na nga kung tutuusin eh.
Yun nga lang kasi, ang hirap din kasi sa konspeto ng live music, ay hindi lahat ng tao ay may kakayahan na dumayo gabi-gabi at magpuyat. At hindi rin kasi kaya ng budget nila ang ganyan.
Pero gaya ng ordianryong nilalanag, ang mga musikero ay kailangan rin kumita. Hindi kaya biro ang buhay nila, lalo na kung full-time mo ito ginagawa at wala kang day job. Pero either way, mas maswerte pa nga ang mga empleyado kesa sa kanila eh.
At isang malaking kabullshitan ang “OPM is dead” kung walang World Music Day, o sa orihinal na deribasyon nito, Fete de la Musique. Una itong ginawa sa Pransya, at naging kabahagi ang Pilipinas sa naturang selebrasyon noong dekada '90.
Ngayon, sa ika-22 taon nito ay mas malawak pa ang Fete dela Musique sa bansa. Dalawampu't tatlong lugar ang magsisislbing mga entablado para sa iba't ibang klase ng tunog na nais pakinggan ng tao, at ito ay ang mga musika talaga, mga bagay na mas malawak pa kesa sa pakikinig mo sa radyo at telebisyon. Ito ang mga samu't saring gawa na para sa lahat ng mga umiibig sa musika.
At libre lang ito. Pamasahe lang gastos mo. Isa pa: magkakalapit lang ang mga stage sa bawat isa. Pwede ka mag-instant field trip sa lungsod ng Makati at sa mga sari-saring likha ng mga manlilikha ng sining ng musika, kilala man o hindi, bata man o beterano. At maari pa nga silang makadaupang-palad, hindi gaya ng mga sikat na tao. At least, sa eksena, abot-kamay ang koneksyon. Huwag ka nga lang aastang social climber.
OPM is dead? Subukan mo kayang mag-Fete de la Musique? Baka sakaling kainin mo yang sinabi mo at maniwala na buhay na buhay ang musika sa ating republika, hindi gaya ng mga baduy na pautot ng mga tao sa social media.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!