07/04/2016 05:33:44 PM
Isa sa mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang i-expose ang hypocrisy ng Simabahang Katolika sa Pilipinas.
Aba, matapang talaga ah. Patunay na hindi lamang ata siya hahabaol sa mga halang ang bituka at kahit pag may nagtangka na sinumang kupal na drug lord na lagyan siya ng patong sa ulo, ano.
Pero mahirap kalaban ang Simabahang Katolika. Tignan mo na nga lang ang nangyari kay Carlos Celdran, bagamat ibang manner ang ginawa niya roon.
Pero iisang punto lang naman ang pinaglalaban nila eh: Ang Catholic Church ay ang pinakahiporktiong institusyon sa bansa. Ilang halimbawa nga ang binitawan niya eh, gaya ng paghingi ng SUV para sa charity, pakikialam sa mga isyu ng bayan. At 'uy, hindi kaya sila sinisingil ng buwis.
Sa totoo lang, matagal nang alingawngaw ng iilang tao ito eh. Siguro nga lang, mas matapang (sabihin na nating may bayag) ang pangulo para magsalita ukol rito, hindi lang dahil sa minsan ay inabuso siya ng isang pari. Kundi dahil sa naoobserbahan rin niya. Magsasalita ba ang taong yan kung walang basehan?
Mantakin mong ultimo ang family planning ay pinutakte ng simbahan noong panahon ni Ramos. At pustahan tayo: kung hindi nagmatigas ang administrasyong Aquino ay baka sa kangkungan pa rin pupulutin ang Reproductive Health law, ang isa sa mga panukala na inabot na ng siyam-siya sa mga debate.
Siguro nga ay dala ito ng pagbabagong nais ni Duterte at ng mga Pilipino. Aniya kasi, hindi na makatotohanan ang pinupuntirya ng simbahan.
Tingin ko, mahaba-habang anim na taon ito para sa dalawang kampo. Anim na taon para sa pakikibaka. Huwag nga lang sana makompromiso ang publiko sa alinmang sasabihin ng dalawang ito dahil tiyak na para sa taumbayan ang karamihan (kung hindi man alinman) sa kanilang mga patutsada; ke hipokrito man ang simbahan o hindi; ke masyadong marahas si Pangulong Digong o hindi.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!