Photo credits: Ryder O. Rojan/Coconuts Manila |
Ito na naman tayo, ang mundong mahihilig pumutakte ng mabababaw na iskandalo kesa sa mga mahahalagang isyu ng bansa. Palibhasa kasi tapos na ang SONA at nauurat na rin ang tao sa mga bagay na may kinalaman sa #obosen.
So sa isang panayam sa entablado kasi ng FHM 100 Sexiest Victory Party na ginanap kamakailanlang, sinabi ng isang artista na si Jessy Mendiola na “sexiest woman” siya.
O ano naman? Ang yabang raw kasi.
Ganun? Yabangan ba ang usapan? Pucha, parang pagyayabang lang?
Ah, okay, kasi nga naman tayo ay nabubuhay sa kultura ng humilidad. Nagpapakababa ba, kaya walang puwang sa ating lipunan ang mga mayayabang. May punto nga naman.
Ito ang problema. Ano naman kung sinabi niya yun? Eh sa totoo lang, hinalal rin ng marami sa inyo yan bilang numero uno sa kaseksihan sa pinakakilalang men's magazine sa Pilipinas ngayon?
Ngayon kung ikaw ay isa sa mga bumoto sa kanya nun at ganun naging reaksyon mo, eh gago ka pala eh. Ikaw nagluklok d'yan kaya tanggapin mo rin ang ganyan; parang nung pagputakte niyo kay Marlou Arizala and yet nagsisiangal kayo dahil naniningil siya ng diyes mil bilang talent fee; o parang pagboto niyo kay Pangulong Rodrigo Duterte, pero panay reklamo naman kayo sa mga pinapatupad ng pamahalaan niya na para bang sinusuka niyo siya.
Oo, siya nga ang sexiest woman of the year kaya may K siya na sabihin yun. Oo, kahit sabihin pa na talbog niya si Miss Universe Pia Wurtzbach. Eh pustahan tayo, biro lang naman yun eh, baka nga ang sikat na beauty queen sa panahon ngayon ay hindi seseryosohin ang mga salita na yan eh. Ibig sabihin: masyado kayong nagpapakaseryoso sa mga bagay na sadyang ang babaw naman gaya nung award na yan sa isang men's magazine at gaya ng mundo ng showbiz. (Oo, ang babaw niyo kaya.)
I'll say you go, girl. Oo tunog sinusuportahan ko ang yabang ng babaeng ito, but she has a point. Lalo na sa panahon ngayon na ang sinumang tunaliwas sa arangkada ng opinyon ng nakararami ay naba-bash o nabu-bully? Palibhasa kasi mas may panahon pa ang mga kumag na mag-Facebook at Twitter kesa sa mag-aral.
Hayaan niyo na lang kaya na maging masaya siya sa ngayon, ano? Kasi kung kayabangan talaga yan on her part, mari-realize din niya yan, lalo na kung bumagsak bigla takbo ng career niya, o magkaroon ng iskandalo, o ano pa.
Saka bwakanangina, kung naiirita kayo sa mga taong mayayabang sa paningin niyo, tignan niyo kaya sarili niyo sa salamin niyo. Lalo na kung isa ka ring saksakan ng kayabangan sa buhay at may gana kang magsabi na “Ang yabang naman nito”?
Sa totoo lang, lahat naman tayo may kanya-kanya ring kayabangan eh. Nasa sa atin nga lang yan kung kaya natin bang ipakita yan o hindi – at higit pa roon, kung may laman talaga ang kayabangan na yan o sadyang hangin lang naman. Sa kaso ni Jessy, at least siya may ipagyayabang, habang ikaw... wala; maliban na lang kung achiever ka. At unless isa kang banal na nilalang since Day 1, ang sinuman na magdeny na mayabang sila ay isang malaking hipkrito. Kingina naman oh.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!