07/02/2016 12:05:58 PM
Photo credits: INQUIRER |
Alam ko, nakalulungkot. Hindi kasama ang isang halimaw sa laro sa koponan ng Gilas Pilipinas na lalahok ngayong buwan para makapag-qualify sa Rio Olympics sa darating na Agosto.
Pero ano nga ba magagawa natin? Ano naman ngayon kung wala na siya sa Gilas 12? Awtomatiko bang masisira na rin ba nang tuluyan ang mga pagkakataon natin na manalo sa darating na Olympic Qualifying Tournament (OQT)?
Look. Alam naman natin na si Calvin Abueva ay nagdadala ng matinding intensity sa laro ng baketball sa Pilipinas, mapa-propesyual man gaya ng PBA o para sa bayan. Maari siyang mahalintulad sa gaya ni Marc Pingris.
Pero iba ang dati sa ngayon. Iba ang nakaraan sa kasalukuyan. At sa adbiyento ng mas mararaming mga bata kesa sa beterano, tingin ko ay mahirap rin na sitratehiya ito para sa head coach na Tab Baldwin. Oo, lalo na kung bakit hindi siya ang napili at bagkus, ang rookie ng Talk 'N Text na si Troy Rosario.
Maaring surpresa ito para sa marami, pero sa isang toreno kung saan mas dominante ang laro ng mga higante na maliliksi, malamang ito rin ang isa sa mga naging dahilan para sa naturang desisyon. At talagang kailangang tanggapin ang masaklap na realidad sa puntong ito. Naungusan na nga tayo ng ibang bansa kung tutuusin eh.
At malamang, nadadaan rin yan sa dedikasyon. Kung nagsisipag ka talaga at nagta-tiyaga hindi lamang para sa international exposure, kundi para na rin sa sariling oportunidad. Sinasabing mas mahabang panahon na nagtrain sa puntong ito ang batang forward.
Sayang nga lang dahil si Abueva ang itinuturing din na may larong pusong Pinoy dahil sa kahit maliit siya ay may kakayahan siya maglaro ng pang-malaking mama. Yun nga lang, ang enerihiya niya ay may tendency ng magdali ng kamalian, at walang room for error dapat ang RP pagdating sa international games.
Sa mga nagoobserba gaya ni Sporty Guy, sinasabi na halos similar na ang role ng dos (shooting guard) at tres (small forward), at kahit tres at kwarto (power forward) pa ang kakayahan ng Alaska Aces star player ay tila hindi sasapat ang kanyang mga kakayahan ukol rito. Kung mapapansin, tila loaded sa shooters at wingman ang kasalukuyang Gilas roster.
Ang tanging magagawa na lamang nating mga Pinoy hoops fans ay intindihin ang desisyong ito, at umasa na a kabila man ng desisyon na tila taliwas sa ating perepsyon ay may idudulot na mabuti ito para sa bansa at sa tiyansa nto na makalapit muli ang Pilipinas basketball sa Olympics. Doon pa lang, may malimamarka na muli tayo sa mapa ng mundo ng naturang palakasan.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!