07/04/2016 02:03:27 PM
Isa sa mga pinag-uusapan ito mula pa noong pagputok ng mga resulta sa nakaraang eleksyon. Aniya kasi, alam na ng marami kung sino ang mananalo.
At dahil nga na obvious na si Rodrigo Duterte ang nanaig noong eleksyon para maging ika-16 na pangulo ng republika ng Pilipinas, tiyak na isa ang salitang ito sa naging pinuputakte ng mga tao: ang curfew.
Sinasabi na ang isa sa mga naging matinmbang na mandato ni Duterte noon bilang mayor ng lungsod ng Davao ang curfew.
Pero ano nga ba ang kahulugan ng salitang “curfew?”
a regulation requiring people to remain indoors between specified hours, typically at night.
Ibig sabihin, isa itong alintuntunin na dapat ang mga tao ay nasa loob na ng kani-kanilang mga establisyamento. Pangkaraniwan, sa mga bahay na dapat, at ipinapatupad ito sa dis oras ng gabi.
Sa konteksto natin sa Pilipinas, mas naging uso ito noong panahon ni Martial Law kung saan wag kang gagala-gala sa labas mula hatinggabi hanggang mag-uumaga. At mabalik tayo sa Davao, ang ordinansa nila ukol sa curfew ay may saklaw ng pitong oras; naglalayon na maiwas ang mga bata mula sa mga gang at bisyo.
Ibig sabihin, bawal makita ang mga unescorted minor sa alinmang publikong lugar at mga lansangan ng naturang siyudad mula alas-10 ng gbai hanggang alas-5 ng umaga.
Karagdagan, ang mga menor na nasa labas ng kanilang lugar ng tirahan ay dapat may kasamang nakatatanda. Dahil kung hindi, ang matatamaan ng paglabag na ito ay ang kanilang magulang. Oo, sila ang aarestuhin at masasampahan pa ng kaso dahil sa tila pagsawalang-bahala sa kanilang mga anak.
Kaya sa totoo lang, medyo olats sila ermat at erpat dito, lalo na sa konsepto ng ating batas na tila mas pabor pa sa mga nakababatang henerasyon kahit na may porsyento na sila mismo ang umaasal-tarantado sa lipunan ngayon. Kawawa no?
Isipin mo kung yan, kabilang ang mga ordinansa mula sa lungsod ng Davao, ay maiimplementa sa buong kapuluan.
Siyempre, maraming aangal. Natural nasa Pilipinas tayo eh. Besides, ang irony nga lang dyan ay ilan sa mga magbubunganga dyan ay (pustahan) yung mga taong nagbibitaw ng litanya na “change is coming.”
Ayan gusto natin, di ba? Pangatawanan natin kung ganun. Huwag tayo na parang gago at gaga na aaray porket curfew na.
Yun nga lang, tingin ko may karagdagang measure pa ang pag-implementa ng curfew na to. Siyempre, may mga nagtatrabaho sa gabi eh. Isama mo pa dyan yung mga nightlife; na bagamat ilan sa mga bar ay mag-aadjust na rin sa kani-kanilang mga gig, layon na tapusin ang bawat kaganapan ng ala-1 ng madaling-araw at ipagbawal na ang pagtitinda ng alak sa alas-12 ng hatinggabi.
So instant liquor ban no? Dapat kung ganun, mag-hoard ka na ng alak mo – as long as kaya mo siyang ubusin ng gabing yun. At kung tutuusin nga, bago mag-1 am ay nasa bituka mo na yan.
Pero seriously pag nangayri yan, at kung may magandang epekto naman, I think isa na yan sa mga pangunahin hakbang para sa ikabubuti ng bansa.
Yun nga lang, sana ay maipatupad ng maayos ito. Dahil yan lang naman ang takot ng nakararami eh, lalo na nitong nagdaang mga buwan kung saan nagkaroon ng OPLAN RODY o “Rid the Streets of Drunkards and Youth). Ilan pa naman sa kanila ay sinasabing napagkamalang mga gala pero sa aktwalidad ay galing sa mga eskwelahan dala ng pagbabago sa sistema ng edukasyon na mas kilala bilang K-12.
Well, nakakatrauma nga naman kung ganun, lalo na kung mahuli ka ay dadalhin ka sa presinto, tapos may parusa pang push-ups.
Pero ayun nga, sana nga lang maisaayos ang isyung ito sa lalong madaling panahon. At kung wala ka naman dapat gagalaan, huwag ka nang pagala-gala sa labas. Papahamak mo pa sarili mo eh. At pati magulang mo pala.
http://www.philstar.com/headlines/2016/05/23/1586099/first-orders-curfew-no-smoking-liquor-ban
http://cnnphilippines.com/news/2016/05/17/davao-city-ordinances.html
http://www.rappler.com/move-ph/138434-youth-group-against-curfew-minors
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!