08/14/2016 11:02:07 PM
Nakakatawa na ang mga pangyayari. Nakakatawa sa inis. Nakakatawa sa dismaya. Ito yata ang napapala natin kapag halos buong araw na lang tayong tumututok sa social media at hinahayaan tayong lamunin ng maruming salita na kung tawagin ay pulitika.
Oo, sadyang maruming ang pulitika. Parang laro sa basketball na kailangan mong manggulang. Para sa wrestling din, kailangang maging kontrabida ka para maisulat ka na panalo ng mga eskriba.
At sa ngayon? Tangina. Wala tayong pinagbago. Kapag nagpapahayag tayo ng pagiging kontrapelo, nauuwi rin sa personal na insulto. Tignan mo na ;amang ang mga thread ng mga post sa Facebook kung saan nakalakip ang mga artikulo ukol sa mga pinakahuling kaganapan sa mundo ng pamahalaan at pulitika.
Ang salimuot, 'di ba? Kung gaano dumami ang mga gumagamit ng mga social networking site ay siyang pag-usbong rin ng mga numero ng mga tanga. Huwaw!
At siguro, isa sa mga pinakamalaking halimbawa ng mga taong ubod ng tanga ay ang mga taong may ganitong klaseng argmento.
Talaga lang ha? Gusto mong magahasa o mapatay siya ha? Maaring hindi yun ang direktang pag-translate (kasi literally, hiniling niya ata sa kanya na maexperience yung rape at murder), pero kahit saang anggulong tignan, nakakatanga na nakakaburat na mali lang.
Mas sadista pa sa sadista yata ang ganito. Kahit sa katunayan, ang sarap kastiguhin ang mokong dahil sa paano mo mae-experience ang murder? Eh malamang pag nagawa yun, hindi ka na rin naman makapapagsalita eh, o ni hindi alam kung buhay at mabubuhay pa, unless attempted murder ang nangyari. Pero hindi counted yun. Mangmang much pa rin.
Sa totoo lang, ayos sana ang pinaglalaman ni @bromanceMD. Ako rin eh, kine-kwenstiyun ko rin paminsan-minsan ang kabagalan ng proseso ng paghuhukom sa bansa, Isipin mo nga na ang isang petty crime ay inaabot ng buwan o taon bago man lang magkaroon ng preliminary hearing. Bwakananginangyan. At yung krusada laban sa krimen, medyo-okay ako, to be honest. YAN AY KUNG MAPAPATAWAN TALAGA NG PARUSA SA (1) AYON NG GRABITIYA NG NAGAWANG PAGKAKASALA; AT (2) UNLESS SOBRANG HINDI NA SIYA APPLICABLE, SA MAS MAKATAONG PAAMARAAN.
Pero sayang, tsong, sumablay ka. Marami ka talagang makakabangga pag ganitong mga bagay ang pinag-uusapan, lalo na sa panahon ngayon kung saan ang administrasyon ay yan ang pinakapangunahing krusada. At sabihin mo man na bakit ganyan ang mentalidad o lohika ng ilan, mababato at mababato pa rin sayo ang mga yan ng ad hominem.
Tignan mo na lamang ang nangyari noong nakaraang linggo sa isyu ng isang magasin. May isang aktibista ang bumira ukol sa lohika ng naturang publisher. Alam mo kung anong balik?
Photo credit: Adrienne Onday |
Yan, magsama kayong mga halimbawa ng kagunggongan.
At kung hihilingin mo man sa isang tao na salungat sa opinyon mo na sana ay ma-rape siya o mapaslang; sasagutin ko, pakigawa nga po ng halimbawa, please?
Halimbawa sa sarili mo. Pwede ba?
Pucha, kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!