08/15/2016 01:50:38 AM
Bakit hindi na ako nagulat sa isyung ito, may naarestong kilalang personalidad sa radyo matapos ang isang operasyon kontra droga kamakailanlang.
Oo, ang isang radio DJ na si Karen Bordador kasama sa pagdakip ng otoridad ng isang Emilio Lim, matapos mahulihan nito ng samu't saring klase ng droga sa condominium unit ng lalake.
Teka, ang isa sa mga DJ sa Monster RX 93.1, na minsan ay napasama na bilang kabahagi ng programang I Do ng ABS-CBN, modelo, nahuli dahil sa isang insidente ng droga? Mismo. Yung mga party drug daw – na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso at nahuli sa condo ng boypren niya – ay sinasabing mga binebenta sa mga high-end na club sa Makati at Bonifacio Global City. Ibig sabihin, kahit sopistikado ka, kung drug addict ka, damay ka sa isang matinding laban ng administrasyon ngayon.
Mariin naman tinanggi ni Bordador ang mga paratang. Sa isang banda, kung papaniwalaan ang mga inuulat, hinihinalang negosyo ito ng isang Emilio Lim. Pero ini-imbestigahan pa ang mga nasabat, kaya hindi siguro dapat basta-basta paratangan. Oo, hundu basta dapat mamintang; baka magaya ka na lang sa mga ihahabla. Ang dali pa namang makasira ng repustasyon ng isang tao lalo na sa mga ganitong usapin (malamgn, prone ka sa bullying eh.)
Maaring mahirap paniwalaan nga lang ang mga sinabi ni Karen na hindi raw niya alam na may ganun ang kanyang jowa. Isang panig ang nagsasabing, "Naku po, hija."
Ngunit kung nagkataong dumaan lamang siya sa naturang condo unit, at pinaninindigan niya ang kayang pagtanggi na gumagamit siya, siguro hayaan na lamang ang paghuhusga sa mga taong mas nakakaalam – yan ay ang mga nasa hanay na kapulisan na may-hawak sa kasong ito at sa mga taong malalapit sa kanya.

Ang dali kasing sabihin na adik siya porket nahuli sa buy-bust operation, o ultimong nadawit lang kasi andun siya sa lugar ng pinangyarihan. Napakaling manghusga dahil nga naman sa mga naisisiwalat sa social media. Ang prblema, lahat ba roon ay buong nakapaloob? O rather, ganap na totoo?
Isang malaking step backward and a setback na to para sa babaeng yun dahil sa mas napansin pa siya dahil sa pagkadawit sa halip sa kanyang appeal sa madla – sa radyo man o bilang modelo. Magpunta ka nga lang sa Twitter ngayon ay lalabs dun karugtong ang pangalan niya ang salitang 'drugs.' Kasi ganun tayo ka-nega; ganun tayo kabilis humusga; ganun rin ang mga konteksto ng mga balita.
Pustahan: Kung nasaktuhan wala si Bordador noong nangyari yan, hindi ganyan ang magiging hulma ng mga ulat.
Pero bakit nga ba hindi na ko nagtaka na nangyari pa ang mga ito? Well, let's face it: Kung may mga ulat noon na nasa underground ang mga gumagamit ng mga ipinagbabawal na droga lang, nagkakamali kayo. Hindi ba obvious na kahit ang mga tanyag na tao sa mundo ng entertainment ay talaga namang aminado sa paggamit niyan? Kaya nga may isa tayong superstar noon na minsan ay nagkaroon ng kontrobersiya sa paggamit ng drugs habang siya ay nasa Estados Unidos.
Yun nga lang. Sa estado ng pamahalaan ngayon, isang malaking bakbakan ang haharapin ng sinumang illegal drug user, mayaman man o mahirap.
So good luck with that.

No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!