08/12/2016 11:30:57 PM
Ayos din si ate eh no?
Photo credits: PhilippineDaily.Org |
Hindi lang nakaupo, may gana nang mamahiya sa social media. Alam mo, wala nang mas nakakairita pa kaysa sa isang babae na ginagamit ang pagka-babae sa social media para lang masabi na tama siya, hindi gentleman ang mga kalalakihan, mapansin sa mundo sa pamamaraan ng birtwalidad.
Ate, talaga lang ha? Hindi ka pinaupo ng lakakeng yan ha? Eh kung ayusin mo kaya ang paga-type mo sa post mo sa Facebook kasi hindi porket capitalized ang kada salita ay tama na ang tipograpiya mo. Hello? Magpapaka-tama ka na lang sana, aba'y panindigan mo na – magpaka-perpekto ka gaya ng always right na persona mo. Huhusga ka na nga lang, tatanga-tanga ka pa.
Kaya kahit alam naman natin na masama ang bully-hin ang ibang tao online, ay hindi na rin kataka-taka na gagawin sa kanya yan ng madlang pipol eh. Gaga ka kasi. Feeling entitled?
Ngunit sa malamang, isa lang ang kasong ito sa maraming similar na pangyayari sa araw-araw. Yung iba, pinili lamang na ilabas ang sama ng loob sa tsismis at hindi sa Facebook; habang ang ilan, inintindi na lang siguro (o sadyang mature lang sila).
Pero ano o anu-ano nga ba ang mga maaring dahilan kung bakit nga naman – sa konteksto ng lipunang uso ang salitang “chivalry” – ang mga kababaihan ay hindi pinauupo ng kalalakihan?
At bago ang mga yan, bakit nga ba pinapaupo ang mga kababaihan sa mag sasakyan?
Pagbigay-galang, sabi nga nila. Dahil sa katayuan raw na weaker sex ang mga babae kesa sa lalake. O para ding sa panliligaw, para mapasgot mo siya, kailangan mai-please mo siya. Pero hindi kaya usapang sexist na rin 'to? Sasabihin mong weaker sex sila? Gago ka ba, sila nga ang nagdala sa'yo sa sinapupunan ng siyam na buwan? Tapos sasabihin mong mahina sila? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado sa kanila ang iluwal ka sa mundong ito? Para silang yung nasa propesyon na ang isang paa ay nasa hukay na.
Sa pagsusumamo, ang pinupunto ay hindi lang siguro pagbibigay-galang, kundi gender equality. As in pantay-pantay na pagtrato sa alinamng kasarian ng tao; babae ka man o lalake, straight ka man, o gay. Ngayon, balik tayo sa pinakatanong: bakit nga ba kasi hindi pinapaupo ang mga babae sa MRT?
Yes, yan din ang isa sa mga sagot: pagkakaroon ng ekwalidad sa pagtrato. Ang irony din sa ilang mga tao na nagsisigaw ng ganito, no? Parang yung mga babae na sumabit sa jeep noong isang taon? O yung ganitong kaso rin ng pamamahiya ilang buwan ang nakalilipas?
Aba'y nakakagago yata kayo kung ganun.
Pangalawa: sa mga tren nga ng MRT, may bagon na nga na ispesyal para sa mga kababaihan eh; halos andun rin ang mga buntis at may kapansanan. Maaring tunog espesyal, pero patas yun kung tutuusin, kasi ang nalalabing bahagi ng mga tren ay para sa sangkatauhan.
Pangatlo: ano ang sinasabi lagi sa mga karatula ukol sa regulasyon ng MRT at ng pag-aanunsyo lagi ng mga drayber? Paupuin po natin ang mga pasaherong may kapansanan, mga senior citizen, at may dalang mga bata. So kung dalaga ka at nag-iinarte na dapat paupuin ka (as in yung tipong gaya ng ginawa ng lokang yan), aba'y baka bigwasan kita. Masyado kang entitled no? Mabuti sana kung galing kang Divisoria at maraming pinamili, maiintindihan ko pa ang argumento mo.
Pang-apat: Ang mga lalake ay napapagod rin. Akala mo ba hindi nakakapagod ang maging pogi? ('De. Biro lang.) Akala mo ba hindi napapagod ang isang tao (in general) mula sa araw-araw na kalbaryo ng pag-aaral/pagtatrabaho/paglalakad ng mga mahahalagang lakarin? Natural, oo. Sumasakit rin paa nyan niyan. Maaring inaabot rin yan ng gutom pero mas piniling umuwi na lang para makatipid sa gastusin sa pagkain. Inaantok rin yan at kailangang bumawi ng pahinga kahit sandali man lang.
Saka pang-lima: ipagkakait mo sa kanya ang upuan na yan matapos ang mahaba-habang lakaran? Tapos ang tagal pa niyang naghintay sa platform ng istasyon? Nakakangalay din ang nakatayo palagi ha? Huwag kang ganyan. Tangina, masyado kang inconsiderate sa kapwa tao mo.
Sa madaling sabi, may pinagdaraanan ang bawat tao bago mo mapagisipan ng paghuhusga sa naturang kilos nila. Besides, ulitin ko: may mandato ba sila na dapat kayong mga babae lang ang pauupuin? Kung wala, eh di wala kang karapatang umasta na kala mo ay meron. As if namang ikauunlad ng Pilipinas yang pagiging tama mo, no? Yan napapala mo kaka-Facebook mo eh. Kala mo porket alam mo na lahat, tama ka na; dapat sundin ka. Aba'y Diyos ka na namin sana kung ganun.
At ang pagiging maginoo, ginagawa ng pagkukusa. Ibig sabihin, sila mismo ang magpapakita ng initiative. Kaya kung hindi niya ginawa yun sa'yo, sorry ka na lang. Either hindi siya gentleman by nature o sadyang pagod lang talaga – which is dapat understandable. Matuto ka ring magbigay.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!