Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 August 2016

May Pokemon Go Na Sa Pinas! Eh Ano Ngayon?!

08/12/2016 08:09:51 PM

Sa wakas. Matapos ang ilang linggong alburoto sa Twitter at Facebook ng ilang mga Pinoy, ang Pokemon Go ay nasa Pilipinas na! Oo, matapos mabadtrip at pasimpleng download (na obviously ay APK) ng ilang hindi makapagpigil ay meron nang Pokemon Go na available sa ating bansa. (Well, maliban sa mga gumagamit yata ng Windows Phone.)

So ano na? Ano naman ngayon kung may Pokemon Go fever na sa Pilipinas, na sakto pa sa tag-ulan at mga nagbobombahang mga isyu sa bansa?

Malamang, maraming magbabalik sa mga alaala nito. Kung isa kang bata noong dekada '90, alam mo na kada Biyernes ng Gabi sa GMA-7 ay umeere ang isang anime series na ukol sa mga pocket monster. Oo, in short, PokeMon. Sakto sa kasikatan nga niyan ay nag-ere din ang kabilang channel nun ng DIGIMON, o dili naman kaya'y Digital Monsters.

At dahil nga mahihilig tayo mag-throwback kahit hindi naman Thursday, nanalaytay na sa dugo natin ang Pokemon. Kaya ganun na lamang siguro ang isa sa mga pinakadahilan kung bakit patok sa atin ang Pokemon Go.

Kasi nga naman, lahat tayo ay nangangarap gaya nila Ash, Misty, Brock, at ultimo ang Team Rocket: maging Pokemon trainer; at higit sa lahat, maging Pokemon master.

Pero kids, time to wake up and face the reality. You can never be one, literally. Pero pwede ka pa rin maging master sa ilang mga bagay sa buhay ngayon, na kung susumamuin ay kahalintulad ng isa sa mga pangarap mo noong bata ka pa.

Well, wala namang masama sa paglalaro ng Pokemon Go. Lalo na sa panahon na halos stressed na ang tao sa mundo ng pulitika at terorismo, isa na lamang ang larong ito sa magsisilbing escapsim nila, kahit pansamantala lang. At sa panahon na nauso ang mga laro sa smartphones, gaya ng Angry Birdsm Candy Crush, Flappy Bird, Minion Rush, Clash of Clans, at kung anu-ano pa, panahon na rin naman para may umusbong sa industriya, no.

Yun nga lang kasi, ang hirap sa ilang mga Pinoy, abusado na. Yung iilan dyan. Magpo-Pokemon Go habang nagtatrabaho. Habang yung iba, maglalakad-lakad habang naglalaro n'yan, nanghahassle pa ng iba pang tao. Kaya ang ending, maraming naiirita sa kanila sa kalsada. Baka nga mero pa dyan na nababangga na, nasasagasaan, o dili naman kaya'y nahulog sa kanal o alinmang lagusan. Lugar-lugar din. Baka mamaya niyan, pag may nakahandusay na wala nang malay sa kalsada, may maglalagay ng karatula dyan na ang ang sabi ay “AKO AY ISANG ADIK SA POKEMON GO. HUWAG TULARAN. (BAGO KASI MAGLARO, MATUTO MUNANG TUMINGIN SA DAAN)”

Pucha, parang karatula lang ng MMDA yun ah.

At baka mas malala pa dyan, dahil buhay nga naman ang mobile app development industry, gayun din naman ang negosyo ng krimen. Malamang, marami na naman dyan ang mga pickpocket. Gotta snatch 'em all! At kapag nangyari yun, hindi lang bye-bye Pokemon, ganun din sa telepono mismo at pati na rin ang iba pang mga account na nakapaloob rito.

Maging responable nga lang sa paglalaro kasi.

Pero may Pokemon Go na! E ano ngayon? Malamang, maliban sa papatok talaga ang industriya ng naturang app, sasakay na rin sa bandwagon ang mga negosyo, organisasyon ng mga gamer, at kung anu-ano pang mga pakulo at pautot. Meron yan, mula lure party hanggang sa mga promo na may kinalaman sa ganun, at iba't ibang perks nga lang ang makukuha mo kung sakalin manalo ka – maliban pa yan sa pagkuha ng mga Pokemon. 

Ngayong gabi pa nga lang, kung anu-ano na ang gimik ng mga koponan e. What more pa kaya ang mga telecommunications company at mga mall? Sakto sa weekend, at sakto pa sa tag-ulan. Kahit nagkakasakit na siguro ang ilan, G pa rin. Well, walang masama dun as long as kaya mo naman maglaro.

Yun nga lang, hindi porket sinabi rin ng isa na “Hindi siya part ng Pokemon Go hype” ay ibig sabihin ay nangdi-diss na siya. Iba yun. Siguro pag tahasan na niyang bina-bash ang mga Pokemon Go users nang wala naman talagang sapat na basehan. 

Masama na ba magsabi ng dislike sa isang hype nang hindi naman talaga inaatake ang mga tao? Kung oo, aba'y mga gago pala kayo. Para kayong mga warriors ni Duterte o ilang mga immature fan club ng Kathniel at AlDub na porket may nagsabi na “Pasensya na, hindi ko trip ang trip niyo” ay tahasan niyo na siyang bibirahin as if papatayin niyo na yung tao. Yan ang literal na nambabasag ng trip. Hindi trip ng isang minorya, kundi trip ng pangkalahatan bilang isang demokratikong lipunan.

Hoy, huwag tayo masyadong black-and-white. Wala na tayo sa dark ages eh. Pucha naman, live and let live in na lang. 

Kasi pustahan naman tayo e. Kanya-kanyang panahon na rin lang naman yan. Sooner or later, may susunod na uusbong na laro din dyan. Sa ngayon, gotta catch 'em all nga lang.

Pero hoy, maging responsible ha? Hindi lang bilang manlalaro, bilang mamamayan rin.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!