08/29/2016 07:28:46 PM
Araw ng mga bayani bukas, at holiday ang araw ng Lunes na habang sinusulat ko ang piyesa na ito.
At dalawampung taon na ang kantang ito ni Kiko. Mula sa album na Happy Battle noong 1996. Ni-release ito ng BMG Records Pilipinas at Greater East Asia Music.
Bagamat hindi ito ginawa sa sing-ingay na magkahalong tunog ng hip-hop at rock ang naturang kanta. Kung tutuusin may halong luma at bago ang ekseperimentasyon.
Pero akma lamang siguro nun, tutal ginugunita noon ang ika-100 taon ng pagkamatay ni Jose Rizal; at halos magkalapit lamang yan sa Sigaw ng Pugadlawin noon (Agosto 23/26, 1896), at sa mga naganap sa sagupaan sa San Juan at Manila (Agosto 28-30).
Ngayon, 20 years matapos ito mailabas, pitong taon matapos ang pagyao ni Kiko, ano na? Nakapanlulumo, pero sa tingin ko, sobrang dalang na ang bilang ng mga makakaalala nito. Siguro, kung rap o hip-hop head ka talaga.
Oo, kasi hindi naman na Philippines 2000 ang pinaglalaban. Wala na rin namang nagtatangka na mga pwersa-kolonyal.
Pero marami pa ring mestiso latino at mga puti na hindi naman nananamntala sa mga kababayan.
Ngunit may mga kataga pa rin na hindi makakaila na hindi tayo natuto sa pinaglabanan ng mga henerasyon na nauna sa atin.
“Dugo'y inialay para sa bayan. Sayang naman ang kanilang pinaglabanan. Dugo'y bumaha at naging pataba. Bulok ang bunga, tumulo ang luha.”
Minsan tuloy, “Bayan o sarili?” ang kasalukyang katumbas na mga salitang ito (Oo, at tinutukoy ko ang pelikulang Heneral Luna.) Minsan rin, ang palagiang paalala ng mga gaya ni Ramon Bautista: Aral muna bago landi.
At maari nga na hindi na to Philippines 2000 ni FVR; at lalo ring hindi ang mga gaya Angat Pinoy 2004 ni Erap, ang Matatag na Republika ni Ate Glo, at ang Daang Matuwid ni P-Noy. Nasa bagong administrasyon na nga tayo eh, bagamat wala pang malinaw na agenda slogan sila P-Diggy. Pero parang hindi pa rin tayo nakakaalpas kung usapang makabayan ang paksa.
Malaya nga tayo sa diktadurya, pero ano naman na? Malayang lipunan nga tayo, pero ang tanong: pinapahalagahan ba natin nang ganap? Namumuhay nga tayo na may dalang teknolohiya sa ating mga katawan. Yun nga lang, sa mga ganitong holiday, mas mapapansin pa ang mga kababawan ng mainstream media at mga kaganapan sa ibang bansa kesa sa paggunita sa mga dahilan kung bakit tayo nagpapahinga ngayong araw na ito ng Lunes.
Kung buhay lamang ang mga bayani natin ngayon, baka murahin lang tayo at tanungin: Tangina, anong nangyari? At kung buhay sila lalo, baka mas marami ka pang mga ma-pulitikang kanta na tiyak na ririndi sa iyong tenga.
Buti na lamang, may mga gaya ni Kiko, ni Gloc, nila Loonie, at ng mga magagaling na manlilihka ng awit, ke rap man ang klase ng tunog o hindi.
Ang blog post na ito ay may halaw na inispirasyon mula sa isang entry sa Definitely Filipino.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!