08/17/2016 03:42:20 PM
Photo credits: philippinesnow.org |
Nakakatawa. Ang dami yata nagrereact ng pagkagalit kay Representative Joey Salceda ukol sa isyu ng Pokemon Go at kung paano ito naka-apekto sa lumalalang sitwasyon ng traffic sa Kalakhang Maynila nitong kamakailanlang.
Tama ba nabasa ko: Solon blames Pokemon Go for Metro Manila traffic?
Medyo ridiculous nga naman, to think na sa sobrang tindi ng ulan ay yun talaga ang pinakasanhi ng matindihang daloy ng trapiko recently. Malamang, malakas ang buhos ng ulan, lumalabo rin ang visibility sa labas, nagiging madulas pa ang kalsada, at may kinalaman pa yata to sa friction ng mga gulong ng iyong sasakyan – bagay na malamang ay hindi mo maiintindihan unless manood ka ng Science of Stupid sa National Geographic Channel.
Nakakaloka nga naman, lalo na siguro kung headline lang ang binasa mo sabay todo comment ka na. Wala ka tuloy pinagkaiba sa tipikal na tao sa Facebook.
At sa kabilang banda, lakas rin sa marketing strategy ang mga news outlet, no? Kaya kayo nasasabihang bias eh. Ultimo mga simpleng statement, sine-sensationalize niyo. Siyempre, para una: bumenta sa mga mambabasa ang mga balital at pangalawa, mang-hulma o humubog ng opinyon – yun nga lang, sa kasong ito, nagmukha pa tuloy nabadtrip ang mga tao kay Joey Ssalceda.
Ah, may sinasabi na gawa kasi ito ng PR ni Salceda, pamap-attract ba ng attention. And to be fair, party-sensationalized rin. Yun nga lang, gatong na rin ang role ng media rito. Ang bonus na nga lang rito: Pokemon Playing ang sinabi at hindi Pokemon Go.
Bakit mo nga naman sisihin ang mga provincial bus? Ah, kasi nga naman nadadamay sa bagal ng takbo ng iba, lalo an yung ibag city PUV dyan na walang disiplina sa kalye, yung ibang private vehicle na halos ganyan din ang asta.
Pero sisihin ang Pokemon Go para dyan? Besides, ang pinaka-kontrapelo lang naman sa pinupunto ni Salceda rito (maliban pa sa sensationalized na title ng PR) ay teka, di ba, halos dalawa o tatlong linggo pa lang ang Pokemon Go sa Pinas? Balido indeed.
I'll say sisihin lalo ang mga taong naglalaro niyan. Malay ba ng game developer na ganyan ang mangyayari?
I'll say sisihin lalo ang mga taong naglalaro niyan. Malay ba ng game developer na ganyan ang mangyayari?
Ah, usapang responsibilidad ba? Kasalanan na rin ng mga manlalaro yun if ever. Pucha, mga walang disiplina ang ilan eh. Hindi marunong lumugar. Kaya kung may natamaan sa ganun, eh baka siguro mga adik na sila sa Pokemon Go, ano po. Kahit ilang paalala pa yan ng MMDA, kung matigas pa rin ang ulo ng ilan, wala rin.
Huwag niyo nga lang sisishin ang sinu-sino pag nakabunggo kayo, ha? O naging kayo ang puno't dulo ng traffic sa isang malaking kalsada? Kasi malaking problema yun; kung may sadista dyan o walang konsiderasyon, sasabihin pa yata niya sa inyo na “yan kasi! Ang laki niyong hassle!”
At oo, bago kayo pumutak dyan, magbasa kayo ng laman ng balita at hindi headline lang. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!